^

Dr. Love

'Di makasundo ang biyenan

-

Dear Dr. Love,

Isang maalab na pagbati sa iyo. Tawagin mo na lang akong Mau, 25 anyos at may asawa. Nagtatrabaho ako sa isang accounting firm. Accountant­ ako bagamat hindi ako passer at binabalak ko pa lang kumuha ng board.

Ulila na akong lubos at kaming mag-asawa ay nakapisan sa aking mga biyenan. Ang problema ko ay ang biyenan kong lalaki na hindi ko makasundo.  

Lagi siyang may pangit na puna sa mga ginagawa ko. Kesyo iresponsable raw ako dahil wala ako sa oras kung umuwi. Inoorasan niya ang pag-uwi ko.

Ang rason ko naman ay ang aking pag-o-overtime. Kailangang kumayod ng mabuti dahil malaking tulong ito sa aming mag-asawa lalu pa’t ipapanganak na ang aming bunso. Sumasapat lang ang aking sahod dahil sa overtime pero hindi ito maintindihan ng aking biyenang lalaki.

Inaaya ko ang aking misis na bumukod pero ayaw niya. ‘Yun daw ang gusto ng magulang niya dahil wala na silang kasamang iba. Naga­galit pa siya kapag niyayaya ko siyang bumukod.

Ano ang gagawin ko?

Mau

Dear Mau,

Kapag nag-asawa na ang anak, wala nang poder sa kanya ang kanyang mga magulang. Himukin mo ang iyong asawa na bumukod kung iyan ang gusto mo.

Alalahanin mo na ikaw ang lalaki at ang pasya mo, basta’t tama ang siyang masusunod.

Ipaliwanag mo sa kanyang mabuti na ma­ganda kung kayo’y bubukod dahil lalo kayong magsisikap at matututo sa buhay.

Sa tingin ko ay may mga magulang na dominante ang iyong misis. Hindi mo talaga makakasundo iyan kaya magpasya ka habang maaga.

Dr. Love

ALALAHANIN

ANO

DEAR MAU

DR. LOVE

HIMUKIN

INAAYA

INOORASAN

IPALIWANAG

ISANG

KAILANGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with