^

Dr. Love

Maling lalaki ang napili

-

Dear Dr. Love,

Good Day Dr. Love. Pakitago na lang ako sa pangalang Ms. Scorpio. Just want to share my bitter experience on love at gusto ko lang makaipon ng reaction tungkol sa problem ko.

Three years po kami nag-live in ng isang se­curity guard at ako naman ay isang engineer dito sa Manila. I have a physical defect pero hindi naging hadlang ‘yon na magsama kami ng maayos. Hindi kami nagkaanak at humantong sa hiwalayan dahil sa babaeng nagtatrabaho sa canteen ng company where he works.

Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero mas maganda pa ako sa girl na pinagpalit n’ya sa akin kahit ako’y my physical defect. Lahat ginawa ko to make the relationship work but it seems it was a one sided affair. Ginamit lang ako sa lahat ng aspect at ikinahihiya pa pala n’ya akong makilala ng mga itinuturing n’yang friends.

Grabeng sampal sa pagkatao ko at lahat ng kasinungalingan ginawa n’ya na lately ko na lang nalalaman. Habang nagsasama pa kami binabahay n’ya na rin pala ang taga-canteen! At ako pa ang sinasabi n’yang sumira sa relasyon, when in fact handa ko s’yang patawarin magbago lang s’ya at magsimula kaming muli. Pero sa huli ang babae pa rin ang pinili n’ya at kahit na ang sarili n’yang pamilya ay kinalaban n’ya na rin. I don’t know pero marami nagsasabi baka raw nagayuma!

Sa ngayon I’m trying to pick up myself and move on kahit na everyday ko pa rin iniiyakan ang mga ginawa nila sa akin. Is he worth my love and devotion? Do i deserve this cruelty? Wala na ba akong right to love and be loved? Feeling ko po para akong kandila na unti-unting nauupos kapag naiisip ko ang mga nangyari. Im sure God is watching kaya sa kanya na lang ako kumakapit at humuhugot ng will to survive. I hope maging inspirasyon ang experience ko sa ibang readers out there na pinanghihinaan na ng loob. Good karma ang darating sa ating mga gumawa ng kabutihan pero pinagsamantalahan lang. Thanks Dr. Love for this opportunity to share my story.

Gumagalang,

Ms. Scorpio

 

Dear Ms. Scorpio,

May kapansanan man ang tao, palaging may ibinibigay na talent ang Dios na magpupuno sa kanyang kakulangan.

In your case, isa kang professional at tulad nang nasabi mo, maganda kahit may physical defect.

I do not want to judge you pero sa tingin ko, umibig ka sa sikyu na ‘yon dahil akala mo wala nang iba pang mas matinong iibig sa iyo. Tama ba ako o mali?

Natitiyak kong magsisisi ang lalaking ‘yon pagdating nang araw dahil hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Huwag mong ituring ang sarili mo na nalugi. Siya ang nawalan at hindi ikaw. Ang ganansya mo ay ang leksyon na nakuha mo sa pakikipagrelasyon sa maling lalaki.

Magtiyaga ka lang maghintay nang kaunti at darating din ang tamang lalaking karapatdapat sa iyo.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

AKO

DR. LOVE

LANG

LIBANGAN SECTION

LOVE

MS. SCORPIO

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with