^

Dr. Love

Babalikan pa kaya?

-

Dear Dr. Love,

Greetings! Masugid po akong tagasubaybay ng column n’yo through internet. Ngayon lang ako sumubok na sumulat.

Bumalik ako ng Manila para sa relocation ng branch namin. Sa nakalipas na 4 na taon, wala akong itinuon na atensiyon sa pag-ibig kundi puro sa trabaho. Kasi nasaktan lang ako noon. Kaya naman ngayon at the age of 27, I’m still single.

Nagbago ang lahat sa buhay ko nang makilala ko ang kaibigan ng isang customer namin. Pero ang masakit na parte, kung kailan binuksan kong muli ang aking puso ay saka siya umalis. At walang katiyakan kung kailan siya babalik o makakabalik pa ba siya.

Hindi po ako makapag-move on Dr. Love dahil lagi siyang nasa isip ko. May mga nagpapa­ramdam po na manliligaw pero inaayawan ko dahil umaasa ako na babalikan pa rin ako ng bf ko. Gusto ko po siyang makatuluyan habang buhay. Tanong ko lang po kung sa tingin ninyo ay posible pa kayang balikan niya ako?

Ano pong magandang payo n’yo para sa’kin?

Salamat po Dr. Love.

More power po!!!

Sincerely,

Shine

Dear Shine,

Mahirap umasa sa wala. Hindi mo tiyak kung babalik nga siya o hindi.

Sa pag-ibig, laging mayroong mga sagabal lalo na’t magkalayo kayo sa isa’t isa.

Unfair para sa iyo na maghintay kung wala na­man. Kung ako ikaw, mag-entertain ka na ng ibang manliligaw. Dapat maging praktikal ka at huwag puso lang ang paiiralin. Gamitin mo rin ang isip.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BUMALIK

DAPAT

DEAR SHINE

DR. LOVE

GAMITIN

KASI

KAYA

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with