^

Dr. Love

Mapanlinlang ang puso

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sayo. Patnubayan po kayo ng ating Panginoong Jesus. Lagi po akong nagbabasa ng column n’yo. Marami po akong natututunan sa mga advice n’yo. Tawagin niyo nalang po akong Ms. Taurus. OFW po ako. Meron akong kasama sa trabaho, mabait po siya, matalino, very responsible person at family-oriented, dahil pamilyado na siya. Sa totoo lang po, sobrang hinahangaan ko siya.

Marami ang nanliligaw sa akin, may Pinoy at iba’t ibang lahi pero may feelings ako sa kanya. Minsan nagkabiruan kami at sinabi ko na sana makatagpo ako ng tulad niya at nagsabi siya sa akin na kung wala lang daw siyang asawa ay niligawan daw niya ako. Sa bawat araw na magkasama kami sa trabaho, mas napapamahal po siya sa akin at lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa dumating sa sitwasyon na inaalagaan na namin ang bawat isa.

Dr. Love alam ko pong mali na ipagpatuloy ko pa ito, dahil baka makalimot kami at makasira pa ako ng pamilya. Iniisip ko na baka naho-homesick lang siya at sa akin niya binabaling ang pagka-miss niya sa pamilya niya.

Bagama’t masakit, pinipilit kong iwasan siya. Inaabala ko ang aking sarili sa mga gawain sa office para hindi kami magkausap. Napansin niya po ang pag-iwas ko at sinabi na tutulungan niya akong makawala sa nararamdaman ko para sa kanya.

Sa ngayon pinapakita at pinaparamdam ko sa kanya na nakaka-move on na ako at wala na akong feelings sa kanya. Pero deep inside mahal na mahal ko pa rin siya Dr. Love at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

Ang hirap kasi dahil magkasama kami sa trabaho halos araw-araw nakikita ko siya. Ano po ba ang dapat kong gawin? Gusto ko na po talagang mawala ‘yung feelings ko sa kanya dahil hindi po tama ito pero paano po?

Thanks in advance and more power to your column.

God bless you always!

Ms. Taurus

Dear Ms. Taurus,

Kung hihintayin mong mawala ang feelings mo sa kanya, malabong mangyari iyan. Ang dapat gawin ay huwag mong entertain ang na­darama mo sa kanya at iwasan n’yo na lang ang isa’t isa. Supilin mo ang damdaming naghahari sa puso mo dahil iyan ang marapat gawin. Sabi nga ng Bibliya, ang puso ng tao ay mapanlinlang kaya ang laging ginagamit ay ang isip at hindi puso.

Talagang hindi malayong humantong sa hindi nararapat ang mabuti ninyong pagtutu­ringan. Pero ikaw na rin ang may sabing mali kaya huwag mo nang ituloy. Ni-huwag ninyong gawing friendly relations ang inyong pagiging malapit at mas malamang hahantong iyan sa isang relasyon.

Kausapin mo siya at ikaw ang mag-suggest na mag-iwasan kayo sa isa’t isa para hindi lumala ang situwasyon.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

AKO

DR. LOVE

KANYA

LIBANGAN SECTION

MARAMI

MS. TAURUS

NIYA

PANGINOONG JESUS

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with