^

Dr. Love

Kapag mali dapat mabali

-

Dear Dr. Love,

Hope you’re fine when you receive this letter. Ngayon pa lang, I want to thank you na mabibigyan mo ako ng advise.

Tawagin mo na lang po ako sa palayaw na Cassey. Nagtatrabaho po ako ngayon sa UAE. I’m married with one daughter pero sa kasamaang palad hindi po nag-work out ang relation namin dahil sa magulang n’ya.

Sila po kasi ang nagde-decide para sa buhay namin at sumasang-ayon lang po ang asawa ko hanggang pati po sa sahod sila na rin ang nagdedesisyon.

Sa katunayan kaya ako sobrang nasaktan nang malaman ko na sa tita n’ya siya nagpapadala at nag-iipon ng pera. At bilang asawa pakiramdam ko po wala akong karapatan para mag-decide at ‘di karapat-dapat na pagkatiwalaan sa ipon n’ya.

Hanggang sa ‘di ko nakayanan, I decide na bumalik sa ibang bansa para magtrabaho. After 1 year, minsan lang kami nag-uusap, hanggang sa may nabalitaan akong may gf na siya sa barko. Napakasakit kasi kilala rin ng magulang n’ya. Sabi ng kasamahan n’ya sa work mas gusto nila ‘yung girl kasi mapera. Napagod po ako Dr. Love. Para sa akin, it’s time to move on in my new life.

Itong pangalawa kong problema na inlove po ako sa may asawang tao at may isang anak. ‘Yung relasyon na para sa kanya hanggang dito lang pero pagdating sa Pinas kanya-kanya na kami.

Dr. Love, ilang beses ko mang gawin at inisip na hiwalayan ko siya pero bakit ganon? Isang tawag lang n’ya hindi ko siya natitiis. Ano ba ang dapat gawin ko para kahit unti-unti ay magawa ko ang tama para sa buhay ko?

Cassey

Dear Cassey,

Totoong tao lang tayo at may kahinaan lalo na sa tawag ng pag-ibig. Pero kung may likas tayong pitagan at pagkilala sa isang buhay na Diyos, kusa tayong iiwas sa pagkakasala.

May boyfriend ka na may asawa at ikaw din ay may asawa bagamat hiwalay kayo. Kung batid mong mali ang ginagawa mong relasyon sa kanya, dapat magkusa kang putulin na ito. Malaki na ang problema mo kaya huwag mo nang palakihin pa.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

CASSEY

DEAR CASSEY

DR. LOVE

LANG

LIBANGAN SECTION

PARA

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with