^

Dr. Love

Kung kailan minahal

-

Dear Dr. Love,

May warmest regards to you and all NGAYON staff.

Isa po akong bilanggo sa pambansang piitan sa Muntinlupa City. Nakulong po ako sa kasong illegal possession of illegal drugs.

Dati akong ofw sa Saudi Arabia. Nang magpunta ako dun, naiwanan ko ang kalive-in na si Menchu. Noong mag­kasama kami, hindi ko siya masyadong mahal. Dahil napi­litan lang akong makisama sa kanya dahil buntis na siya.

Nagbago ang lahat nang nasa abroad na ako. Mahal ko pala siya at nangungulila ako sa pag-aasikaso niya, at paglalambing. Kaya naman nagsikap ako na makapag-ipon para magkapagpakasal na kami at maging legal ang pagsasama. Pero makalipas ang tatlong taong kontrata ko at magbalik-bayan, nabatid kong nagpakasal sa iba si Menchu.

Dahil naunsyami ang matindi kong pananabik, nagwala ako. Ilang linggong naglasing, napabarkada hanggang sa malugmok sa bisyo ng drugs. 

Nalalapit na po ang aking paglaya. Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin para makaiwas na sa barkadang may masamang impluwensiya.

Maraming salamat po at more power.

Marlon Maristela

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Marlon,

Iwasan mo na ang masamang bisyo at huwag mong ilagay sa iyong mga kamay ang batas. Hindi mo na nais na bumalik sa kulungan, hindi ba?

Palayain mo na lang ang iyong dating live-in partner. Pero alamin mo kung ano ang kalagayan ng iyong anak. Hindi naman niya marahil ipagkakait na makilala ka ng iyong anak, kung talagang nais mong magpakilala sa kanya.

Patawarin mo na lang si Menchu sa pagtalikod niya sa iyo. Huli na kasi nang malaman mo na mahal mo pala siya. Marahil, nagawa niyang iwanan ka dahil nararamdaman naman niyang walang katugunang damdamin ang kanyang pagmamahal sa iyo.

Hangad ng pitak na ito ang magandang pagbabago sa iyong pagbabalik sa malayang lipunan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR MARLON

DR. LOVE

MARLON MARISTELA

MENCHU

MUNTINLUPA CITY

PERO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with