^

Dr. Love

Bahala na ang Diyos

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat isang mainit na pagbati at pangu­ngumusta sa inyo. Isa po ako sa tagasubaybay ng inyong column, malaking tulong para sa isang katulad ko ang Dr. Love.

Kasalukuyan po akong naghihintay ng pinal na hatol sa aking apela. Nakadisgrasya ako ng tao nang idepensa ang aking sarili sa tiyak na kapahamakan.

Ang pagkakakulong kong ito ang naging dahilan kaya umalis papuntang ibang bansa ang babaeng pinaka­mamahal ko, matagal na kaming magka-live-in at may tatlong anak. Iniwan niya sa aking hipag ang mga bata at nagtrabaho sa abroad.

Ang miserableng sinapit kong ito ang madalas mag-udyok sa akin na tapusin ang aking buhay, kung hindi pa sa paalala ng mga kaibigan ko dito sa loob.

Nagkakaroon din ako ng pagkakataon na maging bahagi ng gawaing ispirituwal, nagsisilbing pamatid ito sa pagkainip ko dito sa loob. Inihingi ko na rin ng tawad sa Panginoon ang lahat ng mali kong ginawa.

Anuman ang maging kapalaran ko, bahala na sa akin ang Diyos. Sa Kanya ko ipinagkakatiwala ang aking buhay at kapalaran.

Gumagalang,

Rodolfo Gonzales

Dear Rodolfo,

Sana, magtiwala ka sa hustisya at sa ating Pangi­noon. Hindi ka niya pinababayaan. Marahil bini­bigyan ka niya ng leksiyon. Positibo ang isipin mo at hindi negatibo. Hindi Niya pababayaan ang mga anak mo. Marahil nangibang-bansa ang kinakasama mo para may ipang­tustos sa mga anak ninyo. ‘Yun lang.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

ANUMAN

DEAR RODOLFO

DR. LOVE

HINDI NIYA

MARAHIL

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

RODOLFO GONZALES

SA KANYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with