^

Dr. Love

Naghahanap

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sa tanggapan ng PSN Libangan. Isa ako sa tagahanga ng mga payo ninyo. Tawagin ninyo na lang akong Ron, 35 years old na OFW. Noong nasa Saudi pa ako ay niloko ako ng aking asawa.

Sumama siya sa ibang lalaki sa kabila ng magandang communication namin. Wala akong kaalam-alam na lumalabas siya mag-isa.

Hanggang magsama na sila ng lalaki niya. Hindi ko pinaalam ang pagbakasyon ko kaya nalaman ko ang lahat.

Wala na akong magagawa kasi hindi na siya nagpakita, mabuti hindi pa kami kasal noon. Kaya binuhos ko na lang ang oras ko sa pag-aabroad.

Natatakot na akong umibig muli at masaktan. Sa ngayon, nasa lugar ako na mga lalaki ang kasama sa trabaho kaya mahirap makahanap ng isa pang pag-ibig at kapag nagbakasyon naman ako ay sandali lang.

Kung may magnanais sumulat sa akin pakibigay nalang po ang email address ko.

Maraming salamat,

Ron

[email protected]

Dear Ron.

Tama ka. Mabuti’t hindi pa kayo ikinakasal ng babaeng iyong kinasama at itinuring na asawa.

Ang pangangaliwa ng sino man sa babae o lalaki ay dala madalas ng pangungulila dahil sila’y nagkakawalay nang matagal.

Kaya para sa akin, hindi advisable na mag-abroad ang isa maliban na lang kung isasama ang isa. Hindi dapat papaglayuin ang mag-asawa dahil madadarang sa tukso. Sana ay matupad ni President-elect Noynoy ang pangakong pararamihin ang quality jobs sa bansa para di na kailangang mag-abroad pa ang mga kaba­bayan natin.

Buweno, ilalathala ko ang email address mo at sana’y matagpuan mo na si Miss Right.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

DEAR RON

DR. LOVE

KAYA

LIBANGAN

MISS RIGHT

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

RON

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with