^

Dr. Love

Nang kumatok ang malas

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po at nawa’y sumainyo ang mga biyaya at pagpapala ng Poong Maykapal.

Tawagin mo na lang po akong Noel, 33 years old, tubong Iligan City.

Sa murang edad ay namulat na ako sa kahirapan kaya naman sa halip na pagpapa­tuloy ng pag-aaral, paghahanap ng mapapa­sukan ang pinagtuunan ko ng pansin. Hangad ko ang makatulong sa aking mga magulang.

Sinuwerte ako at natanggap bilang factory­ worker, sinuwerte rin ang aking puso noong panahon na iyon dahil nakilala ko si Myra.

Kasabay ng pagyabong ng aming relasyon ay ang plano naming paghahanda para sa pagpapakasal. Kilala na ako ng kanyang pamilya kung saan naging malapit sa akin ang kapatid niyang si John.

Isang gabi, kumatok at nakiusap si John na makitulog sa bahay. Ilang saglit lang dumating ang kaklase niya. At sa aking pagkabigla kasunod ng pag-alis nito ay pagkatok naman ng pulis. Dala ang bag ni John na may bawal na gamot.

Kasama ako sa dinampot, dumipensa ako pero nauwi sa wala. Naubos lahat ang aking ipon. At ang masakit ako ang sinisisi ng pamilya ni John sa pagkakulong niya, maging ni Myra na nawala rin sa buhay ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa aking buhay.

Nag-aaral ako ngayon dito sa loob bilang paghahanda sa aking paglaya. Ang pa­ngamba ko lang, may magtitiwala pa kaya sa isang tulad ko.

Nais ko rin pong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Salamat po Dr. Love sa pagbibigay ninyo ng puwang sa liham kong ito.

Sumasainyo,

Noel Bracero

College Student Dorm 4-D

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Noel,

Minalas kang madamay sa kaso ng dapat sana’y sa bayaw mong si John. Naging accessory ka sa krimen dahil sa pagpapatuloy mo sa kanya at pagpayag na maganap sa iyong tirahan ang bilihan ng bawal na gamot.

Natunugan na marahil si John ng mga pulis kaya nakituloy sa iyong tirahan. Buy-bust operation ba ang nangyari?

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Bagaman minalas ka, makakabangon ka rin sa kinalaunan. Basta tuluy-tuloy ang pagba­bagong buhay mo at tiwala sa Maykapal.

Dr. Love

AKO

CAMP SAMPAGUITA

COLLEGE STUDENT DORM

DEAR NOEL

DR. LOVE

ILIGAN CITY

MUNTINLUPA CITY

MYRA

NOEL BRACERO

POONG MAYKAPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with