^

Dr. Love

Humanap ka na ng iba

-

Dr. Love,

Maganda umaga po sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Lead from Diego Garcia (British indian ocean territory). Ang problema ko ay tungkol sa aking girlfriend.

Hindi siya nag-eemail sa akin dahil hindi raw maka-log-in sa cellphone. Pero kapag nag-log po ako ng for example FaceBook or emails eh nakikita ko eh nakakapag-add siya ng mga kaibigan niya.

Di ko naman po tinututulan ang pakikipag-kaibigan niya pero sana naman kamustahin lang man po ako dito sa ibang bansa. Or kapag minsan eh makita ko naka­kapag-leave siya ng message sa bestfriend niyang lalaki. Di naman po ako selosong tao pero sana naman makamustahan man lang niya po ako dito.

Minsan, sinabihan niya ako ng “I have no time.” Pero nakikita ko naman sa friend­ster na may time siya sa ibang kaibigang lalaki. Masakit sa akin ‘yun. Ayaw ko sanang mag-isip na may relasyon sila pero as she said eh brotherly lang turing niya...may brother ho ba na magsasabi ka ng I love you even though bestfriend mo at malayo pa sa amin na taga-Pangasinan pa? Sana po Dr. Love tulungan po sana ninyo ako.

Thanks,

Lead

Dear Lead,

Kung ako ikaw, mage-get ko na ang malinaw na message. Dapat na ako’ng humanap ng ibang girlfriend. Alam kong masakit tanggapin pero iyan ang nakikita ko kung totoo ang iyong mga isinalaysay sa iyong sulat.

Padalhan mo siya ng sulat para liwa­nagin niya kung ano na ba talagang estado mo sa kanya. Kasi parang pinagla­laruan ka lang niya. Yun lang pagsasabi ng “I have no time” tapos may kaugnay siyang ibang lalaki na sinasabihan ng “I love you” ay klarong-klarong taken for granted ka na niya.

Ayaw kong pasakitin ang dibdib mo pero may mga pagkakataong dapat tayong tumanggap ng masaklap na katotohanan.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

AYAW

DEAR LEAD

DIEGO GARCIA

DR. LOVE

LOVE

NIYA

PERO

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with