Kabibiyuda pa lang may boyfriend na
Dear Dr. Love,
Greetings to you! I am one of your avid readers and I decided to write you because of a love problem that I have.
Tawagin mo na lang akong Claire, 37-anyos. Mag-iisang taon na nang mamatay sa isang aksidente sa motorsiklo ang asawa ko.
Ngayon ay may boyfriend ako pero marami ang nagsasalita ng masama laban sa akin. Ni hindi pa raw ako nakakapagbabang-luksa ay kumirengkeng na ako.
Pero sa totoo lang po, hindi ko tunay na mahal ang asawa ko. At ang boyfriend ko ngayon ay kasintahan ko na noon pa bago ako pagsamantalahan ng napangasawa ko.
Walong taon din kaming nagsama ng mister ko at bawat araw ay kalbaryo. Ang balak nga namin ng boyfriend ko ay magpakasal na pagkatapos ng babang luksa. Magpapalipas lang kami ng ilang buwan para walang masabi ang tao.
Tell me Dr. Love, masama ba ang pakikipagrelasyon ko?
Claire
Dear Claire,
Hindi masama dahil legally speaking, wala kang asawa. Gayunman, hindi mo maiiwasang makarinig ng mga masasakit na pasaring. Hindi mo rin maiiwasang matsismis ka dahil wala pang isang taong namamatay ang mister mo ay may karelasyon ka nang bago.
Sa kalagayan mo, dapat mo ring ikonsidera ang kulturang Pilipino. Kung handa mong harapin ang pagkutya ng iyong kapwa, sumige ka at ituloy ang iyong relasyon sa iyong boyfriend. Kaligayahan mo naman ang nakataya riyan at walang pakialam sa iyo ang ibang tao.
Kaya palampasin mo na lang kung ano man ang masasakit na salitang naririnig mo. Ang mahalaga ay wala kang ginagawang kasalanan at malinis ang iyong budhi.
Dr. Love
- Latest
- Trending