^

Dr. Love

Hindi na virgin

-

Dear Dr. Love,

Warm greetings to you Dr. Love, and to all members of the PSN staff.

Ang problema ko po, Dr. Love ay hindi ko mapag­desisyunan kung ipagtatapat ba o hindi sa aking conservative boyfriend, na hindi na ako virgin.

Three years na po kami ni Ferdie pero wala pang nangyayari sa amin dahil may limitasyon ang pagpa­pakita namin ng pagmamahal sa isa’t isa. Nirerespeto ako ni Ferdie at nais niyang maiharap ako sa altar na intact ang virginity.

Naikuwento ko na po sa kanya na hindi siya ang una kong boyfriend pero hindi ko nabanggit na minsan ko nang naipaubaya ang aking pagkababae sa lalaking nauna sa kanya.

Ayaw ko pong mag-break kami ni Ferdie dahil mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko naman nais na manatiling ilihim sa kanya ang aking nakaraang relasyon sa dating katipan.

Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang at nagpapasalamat,

Annie ng Sampaloc, Maynila

Dear Annie,

Bagaman moderno na ngayon, mahalaga pa rin para sa iba ang virginity ng isang babae. Kabilang na dito ang iyong boyfriend.

Makabubuting sabihin mo na sa kanya ang iyong naka­raan kaysa matuklasan niya ito kung kayo ay kasal na.

Kung talagang mahal ka niya, mauunawaan na talagang mahal mo siya dahil hindi mo nais na paglihiman siya ng isang bagay na importante sa kanya kahit pa nga ang kahulugan nito ay maaaring umasim ang inyong relasyon.

Dr. Love

vuukle comment

AYAW

BAGAMAN

DEAR ANNIE

DR. LOVE

FERDIE

GUMAGALANG

KABILANG

MAKABUBUTING

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with