^

Dr. Love

Man hater

-

Dear Dr. Love,

Sana ay nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng liham ko. I hope also that this will merit your consideration para mailathala dahil kailangan ko ang payo mo.

Tawagin mo na lang akong Lyka, 30 anyos at dalaga pa. Masyadong bad ang karanasan ko sa mga lalaki. Lima lahat ang naging boyfriends ko noon at lahat sila’y mga taksil. Kapag nakakita ng ibang mas maganda, ipagpapalit ka na.

Na-realize ko na iisa lang ang hangad ng mga lalaki sa babae. Kapag nakuha na nila ang gusto nila ay iiwanan na.

Dahil dito ay isinumpa ko na ang mga lalaki. May nanliligaw sa akin na parang type ko pero nirerendahan ko na ang sarili ko para huwag na muling masaktan. Tama ba ito?

Lyka

Dear Lyka,

Hindi ikaw ang unang sumulat sa akin na may ganyang problema. Iisa ang idinadaing ninyo. Iniiwan ng boyfriend kapag nakuha na ang isang bagay.

Natural iyan dahil ang tingin ng lalaki sa babaeng agad isinusuko ang pagkadalaga ay easy girl.

Bigyan mo ng dignidad ang sarili mo at kahit nakikipag-boyfriend ka, huwag mong karakarakang isusuko ang iyong pagkababae.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love

vuukle comment

BIGYAN

DAHIL

DEAR LYKA

DR. LOVE

IISA

INIIWAN

KAPAG

LYKA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with