^

Dr. Love

May other man si misis

-

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo at sa iyong legions of readers. Sana ay mapaunlakan mong mailathala ang sulat ko. Tatanawin kong utang na loob ang payong maibibigay mo sa akin.

Tawagin mo na lang akong Rommey, may asawa at 41 anyos na.

Lumiham ako sa iyo para humingi ng advice sa aking problema. Pitong taon na kaming kasal ng aking asawa at tatlo lang ang aming anak.

Matatawag akong palaging abala at kung oras sa aking pamilya ang pag-uusapan, kapos ako. Isa akong negosyante at most of the time ay nasa ibang bansa o kaya’y ibang panig ng Pilipinas ako.

May nababalitaan akong hindi maganda sa aking asawa. May other man daw siya. Hindi ko pa ito nakukumpirma pero nagsisimula ‘kong sisihin ang aking sarili. Dahil marahil sa aking pagkukulang kaya siya umibig sa iba.

Paano ko matatanong ang aking misis sa problemang ito nang hindi ako magagalit. Kasi, nai-imagine ko pa lang ay parang nagngingitngit na ako. Kahit ba kulang ako sa panahon sa kanya ay kapakanan naman ng pamilya ang prayoridad ko. Tulungan mo ako.

Rommey

Dear Rommey,

Hinahon ang kailangan mo. Problema iyan na dapat pag-usapan at resolbahin. Tama ang sinabi mo. Wala kang masisisi kundi sarili mo na walang inatupag kundi negosyo. Ibalanse mo ang iyong buhay. Mas importante sa pagsasama ang atensyon at pagmamahal. Secondary na lang ang kaginhawahan sa buhay. Tutal, marami ka na sigurong naiimpok kaya ang pamilya mo naman ang iyong asikasuhin.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

vuukle comment

AKING

AKO

DAHIL

DEAR ROMMEY

DR. LOVE

HINAHON

IBALANSE

ISA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

ROMMEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with