Nasaktan ang pride
Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo Dr. Love at isang pinagpalang araw sa inyo. Itago mo na lang ako sa pangalang Kyla, 19 years old.
Sa ngayon po ay nag-aaral ako sa isang pamantasan dito sa Baguio City.
Magmula noong Nobyembre nang nakaraang taon, may isa akong masugid na manliligaw. Hindi ko siya iniintindi dahil hindi ko siya type.
Matagal siyang nanligaw sa akin. Nagpapadala ng mga roses at chocolate pero hindi ko mapilit ang sarili ko na ibigin siya. Tinapat ko na siya noong January 1 na wala siyang maaasahan.
Maginoo naman niyang tinanggap ang kanyang kabiguan. Hanggang malaman ko na lang na magsyota na sila ng best friend ko.
Nasaktan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit. Wala naman akong gusto sa kanya pero bakit ganoon?
Kyla
Dear Kyla,
Actually, pride mo ang nasaktan. Hindi ka nasaktan dahil mahal mo ang lalaki kundi dahil madaling ibinaling sa iba nang lalaking nanligaw sa iyo ang kanyang pagmamahal.
Isa pa, kaibigan mong matalik ang kanyang naging kasintahan kaya ka nasaktan. Don’t take that against your friend. Isipin mo na lang na ang lalaking binasted mo ay may karapatang manligaw at mahalin ng iba.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love
- Latest
- Trending