^

Dr. Love

Lonely Boy

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo Dr. Love. Bumabati ako sa inyo ng mabiyayang araw.

Please lang, ikubli mo na lang ako sa alias na Lonely boy, 29 anyos, may asawa’t tatlong anak.

Maipagmamalaki ko na ako’y one-woman man. Tapat sa asawa at kailan man ay hindi nagtaksil sa loob ng apat na taon naming pag­sasama ng misis ko.

Bukod diyan ay good provider din ako sa pamilya. Hindi ako nagkukulang sa sustento.

Ang napakasakit sa akin ay hindi tinum­basan man lang ng misis ko ang aking pagi­ging tapat at uliran sa kanya.

Natuklasan kong may iba siyang lalaking minamahal. Una kong nalaman ito nang may mag-text sa kanya. Una’y akala ko ay wrong sent lang.

Hanggang sa mahuli ko siya na nagte-text sa lalaki. Inagaw ko ang phone at nakita ko ang mga matatamis na salita niya sa lalaki.

Sabi niya’y hindi pa niya nami-meet ang lalaki at hanggang text lang siya at walang balak na makipagkita. Dapat ko ba siyang paniwalaan?

Lonely Boy

Dear Lonely Boy,

Hangga’t hindi mo nahuhuli sa akto, mahirap sabihing nagtatagpo na ang misis mo at ang lalaking ka-text niya.

Pero pagpalagay nang nagsasabi siya ng totoo, kataksilan pa rin ang ginagawa niya. Pag-usapan ninyo ang problema at bigyan mo siya ng chance na magbago. All attempts to save a marriage must be done lalu pa’t may mga anak na kayo.

Alamin mo sa kanya kung ano ang ayaw niya sa iyo at sikapin mong maging mapag­kum­baba sa kanya.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

vuukle comment

ALAMIN

BUKOD

BUMABATI

DAPAT

DEAR LONELY BOY

DR. LOVE

HANGGA

HANGGANG

LONELY BOY

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with