^

Dr. Love

Nais pumasok sa showbiz

-

Dear Dr. Love,

Howdy Dr. Love. Please call me Brandon. I’m a 14-year old high school student.

Consistent scholar po ako at laging top sa klase. Maraming nakapagsasabi na tipong artista ako. 5’9 ang height at mestisong German­ dahil ang tatay ko ay half Filipino at half German.

Magtatapos na ako sa high school this year at may humihikayat sa aking kaibigan na may koneksyon sa isang movie outfit na mag-artista. Subukan ko raw at kumuha lang muna ako ng few units sa college.

Hilig ko rin naman ang umarte at kumanta pero kung tutuusin, hindi naman kailangan dahil may kaya ang parents ko. Pero parang very strong ang desire ko ngayon na maka­pasok sa showbiz. Hindi sa perang kikitahin kundi sa popularity na tatamuhin ko. Tama ba na sundin ko ang hilig ko?

Brandon

Dear Brandon,

Nasa sa’yo iyan Brandon but still, you need to get the blessing of your parents. Pero kung ako ang parents mo, hindi kita papayagan dahil ang ningning ng showbiz ay pansa­mantala lamang. Hindi katulad ng edukasyon na ang pakinabang ay pangmatagalan.

Sayang ang abilidad mo. Consistent scholar ka na ang ibig sabihin ay exceptional ang iyong talino. Kunin mo ang kursong hilig mo at magkaroon ka ng degree na maghahatid sa iyo sa tunay na tugatog ng tagumpay.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets­ OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

DEAR BRANDON

DR. LOVE

HILIG

KUNIN

MAGTATAPOS

MARAMING

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PERO

SAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with