^

Dr. Love

Umaming bading ang mister

-

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo Dr. Love. Kung maaari ay itago mo na lang ako sa pangalang Elsie.

Ako’y 32-anyos, may asawa. Dalawang taon pa lang kaming nakakasal ng asawa ko na 28-anyos. 

Noon una’y hindi ako naghinala sa kanyang kasarian bagama’t may pag­kamahinhin siyang kumilos. Kaya ko nga siya natipuhan ay hindi playboy ang tingin ko sa kanya. Kasa­mahan ko siya sa opisina.

Kaya nang ligawan niya ako ay agad ko siyang sinagot dahil naisip kong tumatandang dalaga na ako.

Nagulat ako sa ipinagtapat niya sa akin kamakailan. Pusong babae raw siya. Pero pilit daw niyang ino-overcome dahil may takot siya sa Dios.

Nabahala ako sa sinabi niya. Baka dumating ang panahon na matukso siyang pumatol sa lalaki.

Ano ang gagawin ko kung mangyari ito?

Elsie

Dear Elsie,

Huwag kang matakot sa bagay na hindi pa nangyayari. Magpasa­lamat ka at may takot sa Dios ang asawa mo.

Pagtiwalaan mo siya. Ang kanyang pagtatapat sa iyo at palatandaan na sinsero ang kanyang kagustuhang magbago.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nanganga­ilangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love

AKO

ANO

DALAWANG

DEAR ELSIE

DIOS

DR. LOVE

ELSIE

HUWAG

KAYA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with