^

Dr. Love

Mahal kaya niya ako?

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa inyo. Una sa lahat ay babatiin ko muna kayo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

Sana ay datnan kayo ng sulat kong ito na masaya. Tawagin nyo na lang ako sa pangalang “Diehard fan of PSN.”

Hindi ninyo naitatanong, walang paltos ang pagbili ko ng diyaryong ito. Hindi naman ako ma­yaman. Mahirap lang tulad ng iba. Sumulat po ako sa inyo dahil gusto kong mabasa ito ng iba nating tagasubaybay ng Dr. Love.

Ang problema ko ay ang girlfriend ko na si Bea Cruz, isang nurse sa isang kilalang paga­mutan sa Maynila. Halos five years na kaming magkasintahan. Sa tuwing magkikita kami ay masaya kami pareho. Lagi kaming nagsisimba sa Baclaran tapos ay uuwi na. Alam mo Dr. Love, sa tuwing magsisimba kami, lagi siyang nagpa­paalam na uuwi agad. Lagi rin kaming nanonood ng sine.

Tanong ko lang Dr. Love, mahal ba ako ng gf ko o ako lang ang nagmamahal? Kasi po’y madalas siyang busy. Ano ang gagawin ko?

Diehard fan of PSN

Dear Diehard fan of PSN,

Hindi ko maintindihan ang sinasabi mong wala siyang panahon sa iyo gayung sinabi mong lagi kayong nagsisimba sa Baclaran at laging nanonood ng sine.

Baka naman may gusto kang makuha sa kanya na ayaw pa niyang ibigay, hindi kaya?

Kung five years na ang relasyon ninyo at kapwa kayo nasa edad na, eh di yayain mo na siyang magpakasal. Iyan naman talaga ang pina­tu­tunguhan ng pagiging magkasintahan. Kasal.

Ano ba ang problema talaga sa relasyon ninyo at tumagal ng ganyan na puro simba at panonood ng sine?

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website pro­ject specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

ALAM

ANO

BACLARAN

BEA CRUZ

DEAR DIEHARD

DR. LOVE

LAGI

MALIGAYANG PASKO

MASAGANANG BAGONG TAON

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with