^

Dr. Love

Nangungulila

-

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati ang hatid ko sa iyo, Dr. Love. Hindi ko na sasabihin ang buo kong pa­nga­lan. Tawagin mo na lang akong Estel. Sa tuwing sumasapit ang Pasko at Bagong Taon, lalo akong nalulungkot at nangungulila.

Ang dahilan ay dalawang taon na akong ini­wan ng aking tatlong anak. Isasalaysay ko ang dahilan. Hiwalay ako sa aking asawa. Ako ang iniwanan ng aking mister at sumama sa ibang babae.

Apat na taon akong nagtiis na wala siya. Mag-isang itinaguyod ang pag-aaral ng aking mga anak. Pero hindi ko nakayanan kaya ako’y nag­hanap ng lalaking makakatuwang sa aking buhay. Nagalit ang aking mga anak at ako ay kani­lang iniwan. Mula noon ay hindi ko na sila nabalitaan. Ganitong panahon din nang ako’y lisanin nila. Magpapasko.

Maging ako’y napilitang makipagkalas sa panga­lawang lalaki sa buhay ko dahil sa hindi siya tanggap ng aking mga supling.

Kaya nag-iisa ako ngayon sa bahay at ma­dalas natutulala. Ano ang gagawin ko para ma­pawi ang aking pangungulila?

Estel

Dear Estel,

Sana’y mabasa ng iyong mga anak ang liham mong ito at maunawaan ang ginawa mo na para rin naman sa kanilang kapakanan.

Hindi ko alam kung paano ka makakahugot ng lakas para harapin ang iyong problema ngunit ang maipapayo ko’y huwag kang mawalan ng pananalig sa Diyos. Siya lamang ang makatu­tulong sa iyo sa panahong ito.

Katulong mo ako sa panalanging mabuo muli ang inyong pamilya.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

AKING

AKO

ANO

APAT

BAGONG TAON

DEAR ESTEL

DR. LOVE

ESTEL

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with