^

Dr. Love

Sumuko agad ang mahal ko

-

Dear Dr. Love,

Isang taos-pusong pagbati sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng malaganap ninyong pahayagan.

Lumiham po ako sa inyo sa pag­na­nais na humingi ng payo na alam na alam kong maluwag ninyong ma­ipagkakaloob sa akin gaya nang pagpapayong naipagkaloob na ninyo sa iba kong mga kasamahan dito sa piitan.

Ako nga po pala si Edwin Aguas Gab, 22-anyos, pansamantalang nani­nirahan sa pambansang piitan sa Muntinlupa City.

Ako po ay nakulong matapos sam­pahan ng kasong homicide at naha­tulan ng korte na mabilanggo ng mula 10 taon at anim na buwan hanggang 12 taon at apat na buwan.

Nakapagsilbi na po ako ng hatol sa akin ng sampung taon.

Labindalawang taon pa lamang ako nang makapatay ng tao dahil sa pagtatanggol sa aking ama sa mga lasing. Napakasakit para sa akin ang naganap na trahedyang ito sa aking buhay.

Mahabang panahon din akong nagdusa sa aking pagkakasala. Ni hindi ko nasilayan ang namatay kong kapatid na babae dahil narito nga ako sa kulungan at gayundin ang yumao kong ama.

Sa gitna ng kalungkutan dito sa piitan, may nakilala akong babae na minahal ko nang lubos.

Ang akala ko nga, magtitiyaga siyang makapaghintay sa paglaya ko para matupad ko ang pangakong kasal sa kanya. Pero madali siyang sumuko.

Nakapanghihinayang. Ibinigay ko pa naman sa kanya ang lubos kong pagmamahal at tiwala. Ang akala ko, iba siya sa ibang mga babae.

Nagsawa rin siya sa paghihintay. Halos pumutok ang aking puso sa pagdaramdam.

Parang hindi ko makaya nang mabasa ko ang ipinadala niyang sulat sa akin na humihiling ng kalayaan. Hindi ko mapigil ang pagluha.

Pero sa kabila ng mga pagsubok na sinasalunga ko sa buhay, ayaw ko pa ring sumuko. Ang alam ko, balang araw, lalaya rin ako.

Alam kong mayroong katapusan ang mga pagsubok na ito ng Pangi­noon sa akin. Natuto akong mag­dasal at alam kong diringgin ng Diyos ang aking mga panalangin at ganap na pagsisisi sa kasalanan.

Kaya nga po, hanggang ngayon, matatag pa rin ang aking dibdib dahil alam kong ginagabayan ako ng Panginoon.

Maraming salamat po sa pagbibi­gay-pansin ninyo sa liham kong ito at nawa’y makatanggap ako ng mahalaga ninyong payo.

Lubos na gumagalang,

Edwin Aguas Gab

Student Dorm 4-B,

YRC, Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Edwin,

Alam kong ganap ang iyong pag­sisisi sa nagawang pagkakasala. Bata ka pa. Marahil dahil underage ka pa, hindi ka kaagad nakulong diyan sa pambansang piitan kundi sa piitan para sa mga kabataan.

Nalipat ka lang ba diyan noong tumuntong ka na sa 18-anyos?

Pagbutihin mo ang pagpapailalim sa rehabilitasyon para kapag lumaya ka na, marunong ka nang magtimpi sa sarili.

Huwag mo nang masyadong dam­damin ang paglimot ng dati mong kasintahan. Marahil, bata pa rin siyang tulad mo at marami siyang mga pangarap sa buhay na hindi niya agad matutupad kung maghihintay pa siya ng paglaya mo.

Makakatagpo ka pa rin ng ba­baeng para sa iyo na iibig at mag­ma­mahal sa iyo sa kabila ng pinag­daanan mong karanasan sa buhay.

May laang gantimpala ang ating Panginoon sa mga taong marunong maghintay, magpursige sa buhay at gumagawa ng mabuti para sa kapwa.

Ialay mo na lang sa Panginoon ang nawala mong pag-ibig at sa halip, sa Kanya mo iukol ang dakila mong pagmamahal.

Makikita mo, magluluwag ang iyong damdamin. Huwag mong pa­mahayin sa puso ang poot at lalaya ka sa sama ng loob.

Happy Holidays at regards.

Dr. Love

AKO

ALAM

CAMP SAMPAGUITA

DR. LOVE

EDWIN AGUAS GAB

KONG

MUNTINLUPA CITY

PANGINOON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with