^

Dr. Love

Nagiging losyang si misis

-

Dear Dr. Love,

Hi and hello.Tawagin mo na lang akong Wally, 31-anyos. Ang problema ko ay ang aking misis.

Noong nililigawan ko siya, na-attract ako hindi lang sa kanyang kagandahan kundi sa kalinisan ng kanyang katawan. That was ten years ago nang kami’y pareho pang nag-aaral.

Ngayon ay dalawa na ang anak namin pero malaki na ang ipinagbago ng anyo niya. Bukod sa tumaba ay nagkaroon siya ng masamang amo’y sa bibig at katawan.

Plain housewife na lang siya at hindi na nag-oopisina. Tuwing uuwi ako ay tinataba­ngan ako na yakapin siya.

Ano ang dapat kong gawin? Masyado siyang sensitive kasi at natatakot akong baka magalit siya at layasan ako kapag sinabi ko sa kanya ang depekto niya.

Wally

Dear Wally,

Palagay ko masyado siyang uliran sa kanyang tungkulin sa housekeeping at pag-aalaga sa inyong dalawang anak. Karaniwang problema iyan ng mga misis. Pero masuwerte ka pa rin sa kanya dahil marunong siya sa mga gawaing pamba­ hay.

Kung makakayanan ng iyong suweldo, ikuha mo siya ng katulong. Kung hindi naman, walang masama kung sabihin mo sa kanya ang totoo sa diplomatikong paraan.Yayain mo siyang lumabas at mag-ayos ng katawan. Tapos, sabihin mo sa kanya na “o, napaka­ganda mo pa rin dahil nakaayos ka. Sana lagi kang ganyan.” Sa ganyang diskarte, I’m sure hindi siya magtatampo.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. –Dr. Love)

ANO

BUKOD

DEAR WALLY

DR. LOVE

KARANIWANG

MASYADO

NGAYON

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with