^

Dr. Love

Dahil sa regalo

-

Dear Dr. Love,

Ako po ay lumiham sa inyo para ma­ibahagi ang kasaysayan ng aking nasilat na pag-ibig na siyang nag­bulid sa akin dito sa madilim na bilang­guan.

Noong una, ayaw kong man­ligaw. Takot akong umibig dahil sa kimi akong manligaw at isa pa, wala akong pir­mihang trabaho. Paekstra-ekstra lang ako sa pamamasada sa side car at ma­hirap lamang ang aking pamilya.

Kahit anong pagtataboy sa akin noon ng aking ina na mag-asawa na raw ako para dumiretso ang aking buhay at maging responsible, ayaw ko siyang pakinggan.

Ang aking pamilya ay umaasa lang sa kita ng aking ama sa pama­masada ng jeepney pero nakaka­raos naman kami sa oras. Gusto ko sanang mag­tra­baho ng matino pero mahirap mag­hanap ng trabaho kung walang ma­taas na edukasyong naabot.

Pero nang makilala ko si Rosy, nag­bago ang timpla ng aking isip at panini­wala. Naging pasahero ko si Rosy min­san. Mula noon, nagpilit akong araw-araw mamasada para lang maabangan ko siya at maihatid sa kanilang tahanan mula sa pinagli­lingkuran niyang karinderya.

Niligawan ko si Rosy kahit noong una ay nagkakasya lang ako sa ligaw-tingin. Kahit maliit ang kita ko sa pa­ma­masada ng side car, pilit ko siyang niya­yayang magpalamig o magmer­yenda bago umuwi.

Binibilhan ko rin siya ng mumun­ting mga regalo na abot-kaya ng aking lukbutan. Hindi naman nata­galan, si­na­got na ako ni Rosy.

Palibhasa’y sano sa pakikipag­relasyon, ang akala ko, madadaan lahat sa regalo ang kanyang pagma­mahal at katapatan.

Kung noong una ay nasisiyahan si Rosy sa potato chips at chocolates, nang magtagal na ang aming relas­yon, mamahalin na mga regalo na ang kanyang inilalambing sa akin. Por Diyos, saan ba ako kukuha ng pambili?

Kaya minabuti kong magbakasa­kali sa paghahanap ng ibang tra­baho. Hanggang sa masama nga ako sa isang grupo ng mga kawatan.

Alam kong napapaligaya ko si Rosy sa mga ibinibigay ko sa kanya.

Ilang ulit ding naging successful ang aming lakad ng grupo ng mga mang­gaggantso at holdupper.

Pero, hindi nagtagal ito dahil na­tiklo kami. Huling-huli sa akto. Na­kapag­takbuhan ang mga kasama­han ko at naiwan ako kaya naaresto.

Ang akala ko, dadamayan ako ng mga kasamahan ko at lalagakan nila ako ng piyansa. Hindi pala. Kahit na si Rosy na pinasabihan ko sa nangyari sa akin ay naglahong parang bula.

Hindi ko ito ipinaalam agad sa aking pamilya. Alam kong matata­ranta sila. Sisisihin nila ako.

Ang saklap ng sinapit ko. Ami­nado akong mali ang aking ginawa. Na­mulat lang ako sa kamaliang ito nang maka­laboso na ako at ngayon nga ay nalipat na sa pambansang bilang­guan mata­pos kong aminin ang pagkakasala.

Ang laki kong tanga. Hindi pala puwedeng bilhin ang katapatan ng isang babae. Nabalitaan ko na lang na si Rosy ay mayroon nang ibang sugar daddy.

Leksiyon na ito sa akin. Nagsisisi na ako. Sa ngayon, nagsisikap akong mag­bago. Maraming salamat po sa pagbi­bigay pansin ninyo sa liham kong ito.

Sana mabasa ito ni Rosy para baguhin na rin niya ang style ng kan­yang pagpapaibig sa lalaki na ang pangunahing interes ay mapa­kina­bangan at mabilhan siya ng regalo.

Hanggang dito na lang po at muli, nagpapasalamat ako sa inyo.

Lubos na gumagalang,

Patricio

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Patricio,

Tama ka. Hindi mabibili ng sa­lapi at ng handog na mga regalo ang tunay na pagmamahal.

Ngayong nakilala mo na ang tunay na Rosy, sana sa muli mong pan­liligaw, hindi mo daraanin sa regalo ang pag-aalay ng pagmama­hal sa isang chick. Anyway, natuto ka na ng lek­siyon. Ang ma­samang gawa ay may sukling hustisya.

Sa kaso ng mga kasamahan mo, madulas lang sila pero darating din ang katarungan sa kanilang pambi­biktima ng mga inosenteng tao na ina­­agawan nila ng pera at mga kagamitan.

Iba ang perang kinita sa pinag­pawisang trabaho at sa malinis na paraan.

Kailangan din ang kaunting pag­sisikap sa malinis na trabaho kaysa big-time agad na kita na mula na­man sa pangungulimbat. Pagsisi­han mo ang kasalanan mo para may mukha kang ihaharap sa iyong mga ma­gulang.

Dr Love

AKING

AKO

ALAM

CAMP SAMPAGUITA

DEAR PATRICIO

KAHIT

LANG

ROSY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with