^

Dr. Love

'Nagpabinyag'

-

Dear Dr. Love,

Sana’y huwag mo na lang banggitin ang totoo kong pangalan. Masyadong personal ang problema ko. Itago mo na lang ako sa pangalang Lauro, isang first year high school student.

Sana ay matulungan mo ako sa mabigat kong problema. Niyaya ako ng aking katropa sa isang red house. Wala pa kasi akong experience sa sex at bibinyagan daw ako.

Matapos ang isang linggo ay nahihirapan na akong umihi. Tapos, may mantsa ang aking brief.

Sinisikreto ko ito sa aking mga magulang at kapa­tid dahil nakakahiya at baka gulpihin ako ng tatay ko.

Sumulat ako sa iyo para magtanong kung may alam kang effective na gamot. Nahihiya kasi aking lumapit sa doctor. Sana’y matulungan mo ako.

Lauro

 

Dear Lauro,

May alam man akong gamot, hindi ako puwe­deng maghatol dahil hindi ako doctor of medicine.

Sa ayaw mo’t sa gusto, kailangang kumonsulta ka sa manggagamot na siyang may autoridad na maghatol ng gamot.

Gawin mo iyan habang maaga para hindi na lumala ang karamdaman mo. Kung hindi, kakalat ang virus sa katawan mo at magkakaroon ng kompli­kasyong puwe­deng mauwi sa pagkabulag o infection sa ibang vital organ ng iyong katawan. Madali lang ang gamutan diyan pero talagang doktor lamang ang makatutulong sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR LAURO

DR. LOVE

GAWIN

ITAGO

LAURO

MADALI

MASYADONG

MATAPOS

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with