^

Dr. Love

Ex-prostitute

-

Dear Dr. Love,

Isang mabiyayang araw sa iyo at sana’y mapuspos ka ng biyaya ng Diyos sa pagtanggap sa sulat kong ito.

Tawagin mo na lang akong Eliza, 20-anyos. Malungkot ang kasaysa­yan ko. Sa hangad kong kumita ng salapi, kumagat ako sa alok ng isang recruiter sa aming probinsya sa Bicol. May sampu kaming kababaihang ni-recuit at hindi namin alam na gagawin kaming mga prostitute sa isang kasa sa Bulacan.

Anim na buwan akong naging sex-slave hang­gang isang araw, ni-raid ang kasa at nailigtas kaming mga kababaihan.

Dito ko nakilala si Bert, isa sa mga pulis na kasama sa raid. Niligawan niya ako. Noong una’y naghinala akong ibig lang niya akong pag­samantalahan.

Pero habang nagtatagal, nakita ko ang kanyang pagka-maginoo. Pinun­tahan pa niya ako sa aming lalawigan sa Naga. Doo’y niligawan niya ako at hiningi ang aking kamay sa aking mga magulang.

Mahal ko rin siya pero hindi kaya siya isang mapagsamantala lang? Natatakot kasi ako dahil isa akong dating babaeng bayaran.

Eliza

Dear Eliza,

Ang tanong ko’y kilala mo na bang mabuti si Bert? Unang dapat mong ma­laman ay kung wala pa siyang pana­nagutan.

Dinalaw ka niya sa inyong taha­nan sa Bicol, marapat lang siguro na ipakilala ka rin niya sa kanyang mga magulang.

Kung seryoso siya, pormal silang mamaman­hikan sa inyo.

At kung mapatunayan mong ma­buti siyang tao, huwag mong ipagkait sa sarili mo na lumi­gaya at iwaksi mo na ang iyong nakalipas. Bagamat naging prostitute ka, hindi mo ito ginusto.

Dr. Love

vuukle comment

BAGAMAT

BERT

BICOL

BULACAN

DEAR ELIZA

DINALAW

DITO

DR. LOVE

ELIZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with