^

Dr. Love

Nasira ang playboy

-

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw ang bati ko sa iyo at sana’y mapuspos ka ng biyaya ng Diyos sa pagtanggap sa sulat kong ito.

Tawagin mo na lang akong Mauro. Sa Disyembre ay 39-anyos na ako. Pero sa kabila ng edad ko ay malakas pa rin ang aking appeal sa babae.

Hindi naman ako guwapo pero sabi ng iba, ma­tikas daw ang aking katawan at magaling ma­ngu­sap kung kaya maraming babae ang nagka­kan­darapa sa akin.

Playboy ako at wala pang asawa hangga ngayon. Akala ko lahat ng babae ay pare-pareho. Laruan sa aking palad. Nagkamali ako nang makilala ko si Michelle. Napakahinhin at ang mga mata’y nangungusap. Para bang nag­mamakaawa.

Niligawan ko siya. Pero hindi tumalab ang aking appeal sa kanya. Binasted ako.

Parang malaking hamon sa akin si Michelle. Sa tingin ko’y natagpuan ko na ang babaeng aking pakakasalan. Pero bakit kung sino pa ang ibig kong seryosohin ay siya pang ayaw sa akin?

Ano ang gagawin ko?

Mauro

Dear Mauro,

Sa tingin ko’y disenteng babae si Michelle at talagang kakaiba siya sa mga nauna mong niliga­wan na easy-to-get.

Marahil, bistado niya ang iyong kalibre na nangu­ngulekta ng babae kaya ni hindi ka naka-first base sa kanya.

Hindi ko alam kung papaano mo pa siya madi­diskartehan nang tama para masilo ang kanyang puso. Marahil, dapat mong patunayan sa kanya na seryoso ka sa iyong pangingibig at handa mo siyang pakasalan.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BINASTED

DEAR MAURO

DR. LOVE

MARAHIL

MAURO

MICHELLE

PERO

SA DISYEMBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with