^

Dr. Love

Tukso layuan mo ako

-

Dear Dr. Love,

Sana’y matulungan mo ako sa aking prob­lema sa pag-ibig.

Tawagin mo na lang akong Myrna, may asawa na nagtatrabaho sa Dubai.

Tuwing dalawang taon lang siya kung umuwi. Ganito siya simula nang kami’y ikasal may limang taon na ang nakararaan. Iyan siguro ang dahilan kung bakit wala kaming anak.

Dahil bihira kaming magkita, bilang na bilang ko kung ilang beses kami nagtalik. Sampung beses pa lang.

Tao lang ako para maghanap ng pag-ibig. Gayunman nagpipigil ako dahil iniisip ko na ang ginagawa niya’y para sa aming kinabuksan.

Kaya lang, sadyang maraming tukso sa aking paligid. Bilang isang empleyada, mara­ming lumi­ligaw sa akin. Isa na rito si Tony. Natatakot ako dahil parang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ano ang dapat kong gawin?

Myrna

Dear Myrna,

Malungkot na katotohanan na dahil sa pag­kakalayo ng mag-asawa, nalalapit sila sa tukso at marami nang pagsasama ang nawasak dahil diyan.

Sulatan mo o tawagan kaya ang iyong asawa at kumbinsihin mong manatili na lang sa Pilipinas at dito magtrabaho. Kung may ipon na kayo ma­tapos ang limang taon niyang pagta­trabaho sa ibang bansa, puwede kayong mag­negosyo.

Mas mahalaga ang pag-iingat sa relasyon kaysa trabaho. Aanhin mo ang malaking kita kung mawawasak naman ang pamilya?

Dr. Love

AANHIN

ANO

BILANG

DAHIL

DEAR MYRNA

DR. LOVE

DUBAI

GANITO

MYRNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with