^

Dr. Love

Salawahan, nakikipagbalikan

-

Mahal kong Dr. Love,

Una sa lahat, let me first greet you and your millions of readers. Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pag­tanggap mo ng aking sulat. May limang taon na akong sumusubaybay sa iyong popular na kolum. Umaasa akong pauunlakan mong mailathala ang sulat ko.

Kung maaari’y huwag mong ilantad ang tunay kong katauhan. Itago mo na lang ako sa pangalang Ms. Libra­, 33-anyos na ako sa susunod na buwan.

Masakit ang karanasan ko sa pag-ibig kaya hang­gang ngayo’y hindi na ako nag-asawa. Dati akong naki­pag-live-in sa lalaking inakala kong mamahalin ako pero after one year ay iniwanan ako’t sumama sa ibang babae.

Tatlong taon na ang nakararaan nang mangyari iyun. Kamakailan, isang common friend namin na lalaki ang nagsabing gustong makipagbalikan ng ex ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Maski papaano’y may pinagsamahan kami at minahal ko rin siya.

Pero nararamdaman ko pa rin ang sakit na ginawa niya sa akin kaya nagdadalawang-loob ako. Dapat ba akong makipagbalikan o kalimutan ko na lamang siya?

Nahihirapan akong magdesisyon Dr. Love kaya sana’y tulungan mo ako.

Ms. Libra

Dear Ms. Libra,

Ikaw lang ang nasa lugar para mag-evaluate ng sit­wasyon mo. Timbangin mo ang iyong damdamin at kung nangingibabaw ang sakit na nilikha ng kanyang pagiging salawahan, mas makabubuting kalimutan mo na lang siya.

At kung magpasya kang makipagbalikan, hindi ma­gandang tingnan na magpapatuloy ka sa pamumuhay sa kasalanan. Kailangang magkaroon ng basbas ng Diyos ang inyong pagsasama. Ibig kong sabihin ay magpakasal kayo.

Pero dapat mo ring tiyakin na ang kanyang pagsasa­lawahan noon ay hindi na dapat maulit.

Dr. Love

AKO

DAPAT

DATI

DIYOS

DR. LOVE

IBIG

IKAW

MS. LIBRA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with