^

Dr. Love

Takot manligaw

-

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang pagbati sa iyo at sa lahat ng mga sumusubaybay ng iyong malaganap na pitak.

Tawagin mo na lang akong Tony, 37-anyos at single pa hangga ngayon. Dati akong may ka-live-in pero iniwanan niya ako at sumama sa ibang lalaki. Naiwan niya sa akin ang kaisa-isa naming anak na ngayo’y Grade 1 na at ako ang nagta­taguyod.

Ang negosyo ko ay junk shop at nakararaos kaming mag-ama nang matiwasay. At least kahit marumi ay disenteng hanapbuhay naman ito.

May napupusuan akong dalaga. Kapitbahay namin siya. Nang una ko siyang makita ay pitong taon pa lamang siya. Pero umuwi siya ng kanilang probinsya at sa kanyang pagbabalik matapos ang 13 taon, nagulat ako dahil dalagang-dalaga na siya.

Ang batang dating tumatawag sa akin ng tito ay ganap nang dalaga. Ang problema ko ay nagda­dalawang-loob ako kung liligawan ko siya o hindi. Kasi, 20-anyos lamang siya at isang estudyante. Puwede ko na siyang maging anak at nanga­ngamba ako na baka niya ako pagtawanan. Isa pa, alam niya na noong araw ay may kinaka­sama akong babae.

Ano kaya ang dapat kong gawin para maka­gawa ng tamang diskarte?

Tony

Dear Tony,

Natatakot kang manligaw dahil takot ka ring mabigo. Iyan ang tingin ko sa iyo. Pero sa ganyang kaso, wala kang ibang magagawa kundi ang pagta­patan mo siya. Iyan ay kung seryoso ka.

Una’y ipaliwanag mo ang nangyari sa iyong buhay. Legally speaking, single ka at may kara­patang manligaw at mag-asawa. Isa pa, walang halaga malayo man ang agwat ninyo sa edad. Mas mabuti nga na ang lalaki ay malaki ang tanda sa babae dahil ang lalaki ang nagsisilbing ulo ng isang relasyon.

Malalaman mo lang ang tunay niyang dam­damin sa iyo kung magtatapat ka sa kanya. Pero huwag kang matatakot na mabigo kung sakali man dahil iyan ay bahagi ng panliligaw.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DATI

DEAR TONY

DR. LOVE

ISA

IYAN

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with