^

Dr. Love

Huwag ang utol ko at si Inay

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong “Boy Life”. Iyon po ang taguri sa akin ng aking mga kasamahan dito sa bilangguan.

Ang dahilan po, habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol sa akin matapos kong ma­patay nang hindi sinasadya ang lalaking nagtangkang pagsaman­talahan ang aking kapatid na babae mismo sa loob ng aming tahanan at sinaktan pa niya si Inay.

Ang lalaki pong napatay ko nang hindi sinasadya ay isang manliligaw ng aking kapatid. Mabait sana siya pero kapag na­pangingibabawan ng ispiritu ng alak at droga, nagbabago ang kan­yang ugali.

Nadatnan ko kasi sa aming tahanan ang biktima na pinagsa­sa­mantalahan ang aking kapatid at ang maysakit kong ina ay kanya pang sinaktan.

Kaya po sa tindi ng galit ko, hindi ko napigilan ang sarili na ku­muha ng kutsilyo sa kusina at pinagsasaksak ko siya.

Kusa po akong sumuko sa mga may kapangyarihan para pana­gutan ang nagawang pagka­kasala. Kaya heto po ako, naka­bilanggo.

Ginawa po ng mga magulang ko ang kanilang makakaya para ma­pababa sa homicide ang kaso pero bigong mangyari iyon sa ka­walan namin ng salaping maga­gastos.

Taong 1995 po ako ginawaran ng sentensiya at noon ay 22-anyos   pa lang ako at ngayo’y 38-anyos na ako.

Hindi ko po pinagsisisihan ang ginawa kong pagtatanggol sa aking kapatid at ina laban sa isang lalaking bagaman kung titingnan ay mukhang mabait pero nawa­wala sa katinuan kapag nangingi­babaw ang ispiritu ng alak at bawal na gamot.

Kaya lang po, hindi ko po mapi­gilan ang malungkot at hanggang ngayon ay hindi pa matanggap na nasentensiyahan ng habambuhay    na pagkakakulong.

Naghihirap ang kalooban ko sa labis kong pangungulila sa mga mahal ko sa buhay.

Kaya naman po ang pakiusap ko sa inyo, sana ay magkaroon ako ng isang kaibigan sa panulat na makakaunawa sa aking kala­gayan.

Alam kong isa lang akong hamak na bilanggo pero mayroon naman akong magandang kalo­oban.

Maraming salamat po at more power to you.

Gumagalang,

Ricky A. Demato

Student Dorm 4-A,

YRC Bldg., Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Boy Life,

Talagang kapag ang kaligtasan ng pamilya ang nakataya na, ang isang nagmamahal na anak ay nakakagawa ng mga bagay na hindi sukat akalaing magagawa. At sa kaso mo, iyan ang pina­tu­nayan mo sa iyong kapatid at sa iyong ina.

Pero marahil kung hindi ka masyadong nabigla, maaaring pinilayan mo lang o binalda ang lalaki napatay mo na ika mo ay nawawala sa sarili kung nasa ilalim ng impuwensiya ng alak at droga.

Anyways, nagawa mo na ang hindi sinasadyang aksiyon dahil sa kabiglaanan at sa tindi ng emosyon sa awa mo sa kapatid at habag sa sinaktang ina.

Bagaman ang hatol sa iyo ay habambuhay na pagkabilanggo, marahil sa pagpapakita ng kabuti­hang asal diyan sa loob ng bilang­guan, maaari ka ring magba­kasakali sa pagpapababa ng sen­tensiya. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.

Pagbutihin mo rin ang iyong pag-aaral para magkaroon ka ng magandang pagyayaman ng iyong talino sa sandaling maka­laya ka na.

Walang imposible sa Pangi­noon na huwag mo sanang kali­ligtaang tawagan at hingan ng tulong.

Hingan mo Siya ng patawad sa kasalanang nagawa at Siya ang makakaalam kung paano ka mag­kakaroon ng magandang pagka­kataong makalaya sa kasaluku­yan mong kinaroroonan.

Habang may buhay, may pag-asa.

Dr. Love


vuukle comment

BOY LIFE

CAMP SAMPAGUITA

DEAR BOY LIFE

DR. LOVE

KAYA

MUNTINLUPA CITY

RICKY A

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with