^

Dr. Love

Biyuda sa buhay

-

Dear Dr. Love,

Bago ang lahat, gusto ko mu­nang mag-greet sa iyo ng mainit na pagbagti.

Ako nga pala si Cherry, 26-anyos at biyuda sa buhay. Hiniwalayan ako ng mister ko at sumakabilang-bahay.

Pasensiya ka ng kung nagpa­patawa ako. Kasi kung seseryo­sohin ko ang problema ay baka mamatay ako sa konsumisyon.

Isang anak na lalaki ang ini­wanan sa akin ng aking mister at mag-isa ko siyang inaaruga ngayon. Grade 2 na siya sa pasukan.

Madalas akong tinatanong ng anak ko kung nasaan si Tatay niya. Lagi kong sinasabi na patay na siya. Pero hinahanap-hanap pa rin siya ng anak ko.

Kasi noong magka­sama pa kami, masyado siyang ma­lapit at malambing sa anak namin.

Anim na taong gulang pa lang ang anak namin nang iwanan niya ako at gabi-gabi ay umiiyak ang bata.

Nang lumaon ay medyo naka­limot na yata pero may pagkaka­taong hinahanap pa rin niya ang ama niya.

Dapat ko bang panatilihin sa isip niya na patay na ang tatay niya?

Cherry

Dear Cherry,

Kung sasabihin mong patay na ang asawa mo sa iyong anak ay nag­­sisinungaling ka at hindi ma­ganda ang magiging epekto nito sa bata.

Maaga pa lang ay sabihin mo na ang totoo at baka sisihin ka pa niya kapag nalaman na niya ang katoto­hanan.

Walang lihim na naitatago habam­­buhay, Cherry.

Hindi masamang magsabi nang tapat. Ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon para maunawaan niya kung bakit hindi n’yo na kapiling nga­yon ang kanyang ama.

Dr. Love


ANAK

DAPAT

DEAR CHERRY

DR. LOVE

HINIWALAYAN

IPALIWANAG

ISANG

KASI

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with