^

Dr. Love

Hinahanap si Mr. Perfect

-

Dear Dr. Love,

Hayaan mo munang batiin kita ng isang magandang araw pati na ang buong staff ng Pilipino Star NGAYON at lahat ng laging nagbabasa ng pahayagang ito.

Ako po si Nenita, 31-anyos at single pa hanggang ngayon. Tatlo na ang naging boyfriends ko pero lahat sila ay may kapintasan kung kaya hindi nagtagal ang aming relasyon.

Ang unang boyfriend ko ay mabait pero sunud-sunuran sa magulang at walang sariling disposisyon.

Ang pangalawa ay masipag at mabait pero kuripot. Kung kami’y nagdi-date, dinadala lang ako sa mumurahing fast food restaurant.

Sa pangatlo kong naging boyfriend ay isa lang ang maipipintas ko. Maalalahanin siya at mapagmahal at may kaya sa buhay. Pero kapag nakasal na raw kami ay hindi niya puwedeng kupkupin ang aking ina na matanda na. Ang gusto niya ay ipasok namin sa home for the aged ang aking ina. Dahil sa sinabi niyang iyon ay agad akong nakipag-break sa kanya.

Ngayon ay may nanliligaw muli sa akin. Pero ayaw ko muna siyang sagutin at baka may makita akong kapintasan sa kanya.

Natatakot naman akong tumandang dalaga. Ano ang gagawin ko?

Nenita

Dear Nenita,

Ang hinahanap mong lalaki ay perpekto. Tingin ko ay wala kang matatagpuang ganyan. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang kapintasan.

Kahit ikaw mismo ay may kapintasan kung titingnan mong mabuti ang iyong sarili. Kaya kung magpapatuloy ka sa paghahanap ng “Mr. Perfect” malamang ay tumanda kang dalaga.

Kaya kung may manliligaw sa iyo, tingnan mo ang kanyang magandang katangian at huwag yung puro kapintasan ang napapansin mo.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DAHIL

DEAR NENITA

DR. LOVE

HAYAAN

KAYA

MR. PERFECT

NENITA

PERO

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with