^

Dr. Love

Collect and select

-

Dear Dr. Love,

May God’s blessing be with you as you receive my letter.

Ako po si Marlon, 25-anyos at isang teller sa bank. May girlfriend ako. Isang buwan na kami. Lagi niyang sinasabi sa akin na trial period pa lang kami para matiyak niya ang damdamin sa akin. Aniya, wala munang seryosong commitment.

Pero nabalitaan kong may isa pa siyang boyfriend. Nang tanungin ko siya ay umamin siya. Sabi niya, trial period din sila ng isa pa niyang boyfriend at walang seryoso sa kanilang relasyon.

Kahit girlfriend ko siya, hanggang restaurant lang ang date namin. Ni hindi ko mahawakan ang kanyang kamay.

Sabi niya sa akin, karapatan niyang kilatising mabuti ang bawat boyfriend niya. “Collect and select” ang kanyang katuwiran.

Pero sa palagay ko ay mali. Sana, huwag niya munang sagutin ang mga manliligaw niya imbes na mangulekta siya ng boyfriend.

Hindi ba para niyang pinaglalaruan ang mga lalaki? Dapat na ba akong makipag-break?

Marlon

 

Dear Marlon,

May mga babae talagang ganyan. Ayaw nang commitment pero sinasagot ang manliligaw.

Tama ka. Huwag muna sanang i-commit ang matamis na “oo” sa pagkilatis ng bawat manliligaw.

Pero wala tayong magagawa kung ganyan sila. Kung gusto mong makipag-break, go ahead.

Dr. Love

vuukle comment

ANIYA

AYAW

DAPAT

DEAR MARLON

DR. LOVE

HUWAG

MARLON

MAY GOD

PERO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with