^

Dr. Love

Pinanang muli ni Kupido

-

Dear Dr. Love,

Dati akong maligaya at walang problema hanggang panain ni Kupido sa ikalawang pagkakataon ang aking puso. Siyanga pala, tawagin mo na lang akong Herminia, 45-anyos at biyuda na sa nakalipas na tatlong taon. Namatay sa cancer of the lungs ang mister ko dahil malakas manigarilyo.

Negosyante ako. Buy and sell ng kung anu-anong kalakal ang pinasok kong trabaho at suwerte namang pinagpala ako sa hanapbuhay kong ito. Hanggang sa nakapasok ako sa real estate business na siyang nagpayaman sa akin. Wala pong anak na iniwan sa akin ang aking yumaong asawa. Tuwing weekend, ang pinakalibangan ko ay ballroom dancing. Kasama ko ang aking mga amiga sa libangang ito.

Nakilala ko ang isang simpatikong dance instructor o DI na si Armand, 27-anyos. Niligawan niya ako at parang nagbago at naging mas makulay ang takbo ng aking mundo. Sinagot ko siya at ngayo’y maligaya ako sa aming relasyon.

Ang problema ko ay ang aking mga kapatid at ibang kaanak na tutol sa aming relasyon. Kinukuwartahan lang daw ako ni Armand. Nasasaktan ako siyempre dahil mahal ko siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Herminia

 

Dear Herminia,

Sa gulang mo ngayon ay malawak na ang iyong karanasan sa buhay and I presume, alam mo na ang masama at mabuti. Sa buhay ng tao, may mga bagay na nagpapaligaya sa atin pero lumilikha naman ng masamang impresyon sa mata ng ibang tao. Kapag may ginawa kang ano mang bagay, may mga kaakibat na consequence na dapat mong tanggapin. Sa kaso mo, mukhang you feel persecuted ng mga di magandang komento ng iyong mga kaanak.

From a legal point of view, kung binata ang boyfriend mo at ikaw naman ay biyuda na ay walang hadlang kahit magpakasal pa kayo. Mas mabuti nga kung magpakasal kayo kaysa nabubuhay sa pagkakasala.

Pero mag-iingat ka rin dahil bata ang boyfriend mo at posibleng makakita siya ng kanyang katapat na mas bagay sa kanya at bitawan ka niya pagdating ng araw.

Ibig kong sabihin, ihanda mo ang iyong sarili sa ano mang maaaring maganap. Hindi maiaalis sa isip ng tao na sa agwat ng inyong edad ay posibleng gusto ka lang gawing gatasan ng iyong boyfriend.

Pero buhay mo iyan kaya malaya kang gawin ang gusto mo basta’t wala kang pineperhuwisyong iba.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

ARMAND

DATI

DEAR HERMINIA

DR. LOVE

HANGGANG

HERMINIA

IBIG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with