^

Dr. Love

Karma

-

Dearest Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo Dr. Love. Harinawang datnan ka ng sulat na ito na nasa mabuti kang kalagayan. Una sa lahat, gusto kong sabihin sa iyo na sa aming tahanan, tanging Pilipino Star NGAYON lang ang tinatangkilik naming pahayagan. Ito kasi ay very wholesome at up to date ang mga balitang inila­lat­hala. Magagaling din ang mga ko­lumnista na nagsusulat sa pahayagang ito.

May three years na akong avid reader ng column mo. Noong una ay hindi ko ito napag-uukulan ng pansin pero katagalan, nang minsang mag­basa ako nito ay nakaugalian ko nang basahin lagi. Parang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko nasusubaybayan ito. Kaya nalulungkot ako kung minsang walang labas ang Dr. Love.

Matagal mo na rin akong tagahanga at ngayon lang ako naglakas-loob na su­mulat sa iyo.

Masyado kasing mabigat ang pina­pasan kong problema na masasabing kasalanan ko rin. Sana ay magsilbing aral ito sa ibang mister ng tahanan para laging maging tapat sa kanilang mga kabiyak. Umaasa ako na mabibigyan mo ako ng magandang payo para ma­ibsan man lang ang bigat na nakadagan sa aking dibdib.

Medyo personal ang problema ko. Kung maaari’y ayaw ko na sanang mailathala pero kailangan ko talaga ng payo. Kaya ikubli mo na lang akong sa alyas na Don.

May asawa ako at tatlong anak. Tatlong taon na ang nakalilipas, naging taksil ako sa asawa ko. May ibinahay akong ibang babae at inuuwian ko three times a week.

Noong una ay nagtatanong ang misis ko kung bakit madalas ko siyang hindi uwian. Sinasabi ko na lang na work-related o pinapupunta ako ng ma­nagement sa ibang lalawigan.

Alam kong naghihinala siya sa aking kalokohang ginagawa. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na mayroon din siyang kinatatagpong ibang lalaki.

Siguro ito ang tinatawag na karma. Ayaw ko na siyang usisain pa dahil kung guilty siya, ako marahil ang dahilan ng kanyang pagtataksil. Siguro’y naghihi­ganti siya sa akin.

Gusto ko nang magbago. Handa ko nang iwanan ang aking kalaguyo. Pero magbabago rin kaya siya para magbalik ang dating tamis ng aming relasyon?

Don

 

Dear Don,

Naniniwala ako na kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. Sa kaso mo, nagtanim ka ng kataksilan, yun din mismo ang inaani mo ngayon. Pero kung taimtim kang nagsisisi at handang magbago, hindi pa huli ang lahat. Lahat naman ng tao ay may kani-kaniyang pagkakamali. Hangga’t may layuning ituwid ang pagkakamali ay laging may kapatawarang nakalaan.

Mag-usap kayong mag-asawa. At this point in time, lubhang mahalaga ang komunikasyon at pagpapa­kum­baba. Aminin mo nang buong kaba­baang-loob ang iyong kasalanan at humingi ka ng tawad, unang-una sa Diyos, pangalawa sa iyong asawa.

Pag-usapan ninyo kung paano ninyo maibabalik ang maayos ninyong pagsasama bago kayo nagsalawahan sa isa’t isa.

Kailangan din na tiyakin ng misis mo sa iyo na tatalikdan na niya ang kan­yang relasyon sa ibang lalaki para ma­buong muli ang inyong pa­milya. Isipin ninyo ang kapakanan ng in­yong mga anak. Sa tuwing may ganyang prob­lema sa pamilya, ang nadada­ganan ng bigat o nagdurusa ay ang mga anak.

Siguro nga ay nagawa lang iyan ng iyong asawa dahil gumaganti siya sa iyo. Kaya ang maipapayo ko, mag-usap kayo dahil kayo lang ang makaka­pag­kumpuni ng nasira ninyong relasyon.

Dr. Love

AKO

DEAR DON

DR. LOVE

KAYA

KUNG

LANG

NOONG

SHY

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with