^

Dr. Love

Hinaing ng single mom

-

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati ang ipinararating ko sa iyo at sana’y nasa maayos kang kalagayan sa pagtanggap mo ng aba kong liham na ito.

Tawagin mo na lang akong Lynda, isang negosyante at mayroon akong munting karinderya. Hiniwalayan ako ng mister ko tatlong taon na ang nakalilipas kaya ipinasya kong itaguyod mag-isa ang aking dalawang anak. Ang bunso ko ay mag-aapat na taon na at ang panganay ay nasa Grade two na.

Karamihan sa mga kumakain sa karinderya ko ay mga jeepney drivers. May masugid na nanliligaw sa akin sa mga drivers na ito. Tawagin mo na lang siyang Toto.

Kung minsan, naiisip ko na malungkot ang nag-iisa at walang katuwang sa buhay. Pero kasal ako sa aking asawa na sumama sa ibang babae.

Iyan ang nagiging hadlang kung bakit ayaw kong mag-asawa muli.

Ano ang maipapayo mo sa akin?

Lynda

 

Dear Lynda,

Totoong mahirap mabuhay nang nag-iisa kang nagtataguyod sa iyong mga anak. Pero may batas tayo na makatutugon sa iyong problema. Sa ilalim ng Family Code, puwedeng mapawalang-bisa ang iyong kasal sa iyong asawa dahil sa marital infidelity. Pero siyempre may katumbas na halaga iyan at hindi maliit. Magbabayad ka ng abogado para maiproseso iyan.

Hindi ko karaniwang iniendorso ang pakikipaghiwalay pero kung talagang wala nang paraan para mabuong muli ang relasyon, mayroon naman tayong batas na puwedeng sundin.

Pero bago ka sumuong sa panibagong relasyon, dapat tiyakin mong liligaya ka na. Binata ba iyang nanliligaw sa iyo? Hindi mo nasabi kung ilang taon ka na pero dahil may dalawa ka nang anak, siguro nama’y may taglay ka nang talino upang gumawa ng tamang desisyon.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BINATA

DEAR LYNDA

DR. LOVE

FAMILY CODE

HINIWALAYAN

ISANG

LYNDA

PERO

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with