^

Dr. Love

Sa kabila ng kapansanan

-

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo at sa staff ng PSN. Tawagin mo na lang akong Lily ng Novaliches, Quezon City.

Five years-old pa lang ako nang tama­an ako ng sakit na polio. Since then, luma­ki ako na maliit ang isang binti at pipilay-pilay kung maglakad.

Kahit tampulan ako ng tukso ng aking mga kaklase, tiniis ko ito upang makapag­ta­pos kahit high school man lang.

Hanggang magdalaga ako ay wala akong maraming kaibigan. Ewan ko, sigu­ro’y nagkaroon ako ng inferiority complex.

Hanggang isang araw na kasama akong namamalengke ng aking tiya, may na­kilala akong lalaki. Isang driver na nag­de-deliver ng paninda. Tawagin mo na lang siyang Ro­dil.  Kinausap niya ako at na­ki­pagkilala at ki­nu­ha pa niya ang address ko.

Akala ko’y nagbibiro lang siya pero isang araw ng Linggo ay dinalaw niya ako sa ba­hay. Ipinakilala ko siya sa aking mga ma­gu­lang. Pero pinaalalahanan ako ng mga ma­gulang ko na mag-ingat at baka lokohin lang ako. Sino raw ba ang seser­yoso sa kalaga­yan kong isang pilantod?

Pero naging maginoo si Rodil. Nagkai­bi­gan kami at nagulat ang mga magulang ko nang mamanhikan siya kasama ang kan­yang mga magulang. Sa susunod na buwan ay ikakasal na kami at para lang akong na­na­naginip.

Sumulat ako sa iyo para ang kasay­sa­yan ko’y maging inspirasyon sa iba. Sala­mat sa pagpapaunlak mo sa aking sulat.

Lily

Dear Lily,

Karaniwang tinatanggap kong sulat ay puro problema ang laman. Ang sulat mo’y ka­kaiba dahil napaka-positibo. Sana ma­ra­­mi pang iba ang maglahad ng ganyang ins­­pirational stories para hindi naman pulos su­li­ranin ang nilulutas natin sa ko­lum na ito.

Totoo ang sinabi mo. Maraming taong may kapansanan na nasisiraan ng loob at na­wawalan ng pag-asa sa buhay. May iba nga na winawakasan ang sariling bu­hay na hindi nila dapat gawin. Wika nga, ha­bang nabubuhay ang tao ay laging may pag-asa.

Sana’y magsilbing moral booster ang ka­say­sayan mo sa ibang katulad mo ang kala­gayan. Hinahangad ko rin na nawa’y maging matibay ang pag-iibigan ninyo at relasyon ni Rodil. Pagpalain kayo ng Panginoong Diyos.

Dr. Love

AKO

DEAR LILY

DR. LOVE

LANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with