^

Dr. Love

Ayaw panagutan

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka lalo na sa iyong mga pala­giang suki. Sana’y mapaunlakan mong malat­hala ang sulat ko dahil mabigat ang problema ko.

Tawagin mo na lang akong Suzy ng Mala­bon, 25-anyos at buntis sa pagkada­laga. Three months na kami ng boyfriend ko at naibigay ko na sa kanya ang aking pagkababae. Akala ko kasi’y tototohanin niya ako. Noong una kasi’y lagi kaming mag­kasamang nangangarap. Kesyo magtatayo kami ng business at bubuo ng masayang pamilya.

Kaya tiwalang-tiwala ako na tototohanin niya ako. Isang buwan pa lang kaming mag-on ay pumayag na akong angkinin niya. Dinala niya ako sa resthouse niya sa Tagay­tay at doon naganap ang una naming pag­tatalik. Naulit iyon hanggang sa magdalang-tao ako.

Nang mag-pregnancy test ako ay positive. Hindi naman ako kinabahan dahil ang akala ko’y matutuwa ang boyfriend ko.  Pero nang  sabihin ko ito sa kanya ay mukha siyang nanlumo.

Lalo akong nagalit nang itatwa niya ang bata at sabihing baog daw siya.  Two weeks na siyang hindi nagpapakita sa akin ngayon at nasabi ko na ang problema ko sa aking parents. Naunawaan naman nila ako pero galit na galit sila sa aking kasintahan. Ano ang gagawin ko?

Suzy

Dear Suzy,

Iyan ang hirap sa mga babae. Masya­dong tiwala at agad itinataya ang pagka­ba­ba­e. Hindi ka nag-iisa sa problema mo. Ma­ra­mi na akong naenkuwentrong proble­mang kagaya ng sa iyo at halos iisa ang sinasabi ko.

That is  legal case at kung ibig mong mag­­ha­bol, kumonsulta ka sa abogado.

Nakasisiguro ka bang binata ang boy­friend mo? Kung hindi, paano ka magha­ha­bol? Malamang sustento na lang sa magi­ging anak ninyo ang puwede mong habulin.

Sana’y magsilbing aral ang kasaysayan mo sa ibang kadalagahan.

Dr. Love 

vuukle comment

AKO

DEAR SUZY

DR. LOVE

SANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with