^

Dr. Love

Nagsisi sa pagtatanan

-

Dear Dr. Love, 

Bumabati ako sa iyo at sa lahat ng mga tagahanga ng iyong tanyag na kolum. Tawagin mo na lang akong Alita, 19-anyos at may ka-live-in. Limang buwan na kaming nagsa­sama ni Martin. Isa lamang siyang pedicab driver.

Nagalit ang mga magulang ko nang makipagtanan ako sa kanya. May kaya ang pamilya ko at pinapag-aral ako ng Nursing. Nang magtanan ako, isinumpa ako ng mga magulang ko kaya natigil ang aking pag-aaral.

Isang araw, tinawagan ako sa cell­phone ng Nanay  ko. Sabi niya pata­ta­warin lang daw niya ako kung iiwanan ko si Martin.

Nagdadalawang-isip ako ngayon. Parang gusto kong matupad ang am­bis­yon kong maging nurse. Sabi ko sa nanay ko, buntis na ako. Hindi bale, sabi niya. Tutulungan daw ako na magpalaki sa bata basta’t iwanan ko si Martin.

Sa totoo lang, pinagsisisihan ko ang aking ginawa. Gusto ko nang magbalik sa amin at ipagpatuloy ang magandang buhay, lalo na ang pag-aral ko. Pero paano ko ito sasabihin kay Martin?  Alam kong love na love niya ako.

Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Alita

 

Dear Alita,

Kung talagang nagsisisi ka sa ginawa mo, bumalik ka sa iyong ma­gulang. Hindi naman kayo kasal ni Martin at wala kayong legal na res­ponsibilidad sa isa’t isa. Tapatin mo si Martin hangga’t maaga. Maa­aring masaktan siya pero talagang ganyan.

Kung sanang mas mahalaga siya sa iyo kaysa buhay na masa­gana, pag­papayuhan kitang ipag­laban ang pag-ibig mo. But in your case, nakikita kong mas matimbang sa iyo ang dati mong buhay na sunod ang layaw at nakapag-aaral pa. Therefore, follow your heart dahil kina­bukasan mo ang nakataya diyan.

Ang ginawa ninyong pagtatanan ay bunga lang ng kapusukan. Sana, ito’y magsilbing aral sa ibang kaba­taan na nag-aakalang ang nararam­daman nilang excitement sa piling ng kanilang mga so-called “minamahal” ay walang katapusan.

Sa kaso mo, wala pang isang taon eh, wala nang kuwenta sa iyo si Martin mata­pos mong marinig ang kon­disyon ng iyong ina na ta­tang­gapin kang muli kung iiwa­nan mo ang iyong ka-live-in.

Ngayo’y napag­tanto mo na hindi mo naman pala siya mahal dahil mas matimbang sa iyo ang dati mong buhay na maginhawa.

Dr. Love

AKO

ALITA

DEAR ALITA

DR. LOVE

MARTIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with