^

Dr. Love

Hinagpis ng polio victim

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Harinawang datnan kayo ng sulat ko na malayo sa sakuna at karamdaman.

Tawagin n’yo na lang akong Delfin, 20-anyos at walang silbi dahil nakapako ako sa aking wheelchair. Biktima ako ng polio noong ako’y limang taong gulang pa lamang.

May nagugustuhan akong babae. Kapitbahay naming siya. Mahirap ang kalagayan ko. Bagamat magkakilala na kami at nagbabatian, hindi ako makapangahas na manligaw dahil sa aking ka­lagayan.

Mabait naman siya sa akin. Kung minsan, pinagdadala pa ako ng meryenda na luto ng nanay niya.

Sa kabila nito, hindi pa rin ako makapag-open sa kanya dahil natatakot akong malaman na naaawa lang siya sa akin kaya nagpapakita ng kabaitan. Baka niya ako pagtawanan.

Ano ang maipapayo mo sa akin Dr. Love?

Delfin

 

Dear Delfin,

Walang masama kung magtatapat ka sa kanya. Of course masakit masaktan pero mas mabuti na maipagtapat mo ang iyong damdamin kaysa sikilin ito.

Tandaan mo ang kasabihan sa wikang Ingles: It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.

Ang umiiral sa iyo ay takot. Huwag kang madu­wag Delfin. Ganyan ang isang magiting na mandirigma. Matalo man ay may dangal dahil hindi natakot makipaglaban.

Sa kaso mo’y kakaibang laban ang iyong susuungin. Ang pakikipaglaban para sa iyong karapatang umibig at ibigin.

Isa pa, huwag mong mamaliitin ang iyong sarili na tinatawag mong “walang silbi.” Maraming bulag, pilay, pipi at bingi ang may kakayahang hindi nagagawa ng normal na tao.

Tuklasin mo at linangin ang iyong kakayahan. Kahit ikaw ay nakapako sa silyang de gulong, may isip ka at may kamay para gumawa ng bagay na mapapakinabangan.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR DELFIN

DELFIN

DR. LOVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with