^

Dr. Love

Nanlalamig

-

Dear Dr. Love,

Isa lang ako sa marami mong mga tagahanga. Sana’y matulungan mo ako sa aking problema. Tawa­gin mo na lang akong Ms. Libra, 27-anyos at dalaga pa hanggang ngayon.

May boyfriend ako. Siya ang pangatlong lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa akin. Limang buwan na kaming mag-on at ang hinihintay ko sa kanya ay yayain akong magpakasal.

Pero hindi nangyayari ang inaasam ko. Noong una’y very sweet siya sa akin.  Sa paglipas ng mga araw, napansin kong madalas siyang iritable. Sa maliit na bagay ay inaaway niya ako.

Labis ko siyang mahal at ayokong palakihin ang sunog kaya tumatahimik na lang ako.

Sa aking pag-iisa, wish ko lang ay tapatin niya ako kung mahal pa niya ako o may iba na siyang mahal. Bakit kaya siya nagkakaganyan?

Tulungan mo ako,  Dr. Love. Sabihin mo kung ano ang nararapat kong gawin.

Ms. Libra

 

Dear Ms. Libra,

Ang sikreto ng maayos na relasyon ay komu­nikasyon. Maaaring may mabigat na problema ang boyfriend mo na hindi niya mabuksan sa iyo.

Bilang isang kasintahan, tungkulin mong alamin ito. Matuto kang mag-usisa. You should show your concern at ipadama mo sa kanya na mahal mo siya at handang damayan sa lahat ng dinadala niyang problema.

If you break the barrier na humahadlang para ipagtapat niya sa iyo ang kanyang problema, kusa siyang magsasalita sa iyo.

Kung totoo ang hinala mong may iba na siyang mahal, mas mabuting malaman mo ito habang maaga. Alam kong masakit pero ganyan talaga ang buhay. Kung may kasiyahan, may sakit na dapat nating harapin at tiisin.

Mas mabuti iyan kaysa hindi mo alam ang tunay niyang saloobin at nabubuhay lang kayo sa pagkukunwari.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

BAKIT

DR. LOVE

MS. LIBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with