^

Dr. Love

Kahit kaunting pagtingin

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Laarni, dalaga at nagtatrabaho sa isang food company na gumagawa ng mga instant noodles.

May nagugustuhan akong lalaki. Tawagin mo na lang siyang  Bros. Nagtatrabaho din siya sa kompanyang ito at kasama niya sa trabaho ang kanyang asawa na sekretarya ng aming boss.

Dahil magkaiba ang kanilang schedule na mag-asawa, hindi sila sabay umuuwi at pumapasok. Best friend ko si Bros. Mabait siya at good looking. Kapwa kami nasa production department.

Anim na buwan na kaming malapit sa isa’t isa at dahil hindi siya nagpaparamdam sa akin, ako na ang nagtapat sa kanya. Sinabi ko sa kanyang mahal ko siya.  Nagulat siya sa sinabi ko at sinabing hindi siya puwedeng maging taksil sa kanyang asawa. Ewan ko ba. Maganda ako at maraming nanliligaw pero kay Bros ako matindi ang tama. Lagi ko siyang iniisip kahit sa aking pagtulog. Ini-imagine na magka-ulayaw kami.

Sabi ko sa kanya’y mahal na mahal ko siya at kahit paminsan-minsang pagtatagpo namin ay makukuntento na ako. Sinabi ko sa kanya ito habang nanananghalian kami sa canteen. Nag­kataong kami lang dalawa ang nasa mesa at hindi pa dumarating ang iba naming kasamahan.

Magmula nang sabihin ko sa kanya ito, hindi na siya naging malapit sa akin. Ayaw na akong sabayan sa pagkain at hindi sasagot kung hindi ko kausapin. Humingi na ako ng sorry sa kanya at sinabi kong hindi na ako magpupumilit kung ayaw niya sa akin. Pero ganun pa rin siya. Hindi na tulad nang dati.

Ano ang gagawin ko?

Laarni

 

Dear Laarni,

Bakit para kang mauubusan ng lalaki kung umasta? Marami namang binata riyan pero nagpupumilit ka sa may-asawa. Sabi mo maganda ka at maraming manliligaw. Puro pangit ba sila at wala kang magustuhan? Nau­unawaan ko pa ang babaeng pumatol sa may asawa dahil lalaki ang unang lumapit sa kanya. Pero kakaiba ang kaso mo. Ikaw ang luma­lapit at nagsusumiksik sa lalaking may pananagutan na.  Bad iyan iha!

Kahanga-hanga si Bros. Uliran at tapat sa kan­yang misis. Pambihira ang ganyang lalaki. Iyan ang hanapin mo pero dapat yung wala pang sabit.

Huwag mo nang piliting magbalik ang dati ninyong closeness at baka matukso mo pa siya sa dakong huli. Hindi maganda para sa isang babae na maging home breaker.  Obviously, hindi mo man sabihin, Bros is happily married so let it remain that way.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR LAARNI

DR. LOVE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with