^

Dr. Love

Sana, mapatawad nila ako

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Isa po ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong column sa malaganap na pahayagang PSN.

Marami na kayong natulungan at natutuwa naman ako na nagkaroon din ako ng sapat na lakas ng loob para lumiham at maibahagi ko ang ma­saklap kong kara­nasan sa buhay. Ako po ay isang bilanggo at homicide ang aking kaso. Nahatulan po ako ng pagkabilanggo ng mula walo hanggang 14 na taon.

Mula po noong mapasok ako dito sa kulungan, labis akong nangungulila. Kinasasabikan ko ang pag­dalaw sa akin ng aking mga magulang at kapatid. Pero mula nang ako ay makulong, hindi ko na po sila nakita.

Lagi po akong nagdarasal na sana ay maalala man lang nila ako at sulatan para naman muling mabuhay ang aking pag-asa.

Ako po ay  pitong taon na sa kulungan. Nagka­sala man ako sa Diyos at sa tao, napagsisihan ko na po ang pagkakasala ko.

Isang pabor lang po ang nais kong hilingin sa inyo. Sana po, sa pamamagitan ng pitak na Dr. Love, magk­a­roon ako ng mga kaibigan sa panulat para naman maibsan ang aking kalungkutan.

Tanging ang sandigan ko na lang dito sa piitan ay ang ating Poong Maykapal.

Sa tulong ninyo, sana po ay mabasa ang sulat kong ito at bigyang-daan ang aking pakikipag­kaibigan.

Maraming salamat po sa pagbibigay-daan sa liham kong ito at more power to you.

Gumagalang,

Arnel Sarmento

Dorm 225 Bldg. 2,

M.S.C., Camp Sampaguita,

Muntinlupa City  1776

 

Dear Arnel,

Salamat at inamin mo ang pagkakasala at ini­hingi na ito ng patawad sa Panginoon.

Huwag kang magsawa sa pagdarasal at pagtitika sa nagawang pagkakasala.

Natitiyak ng pitak na ito na diringgin ng Panginoon ang iyong dinarasal na kapatawaran.

Inaasahan din natin na sa pamamagitan ng pagla­lathala ng liham mo, mababasa ito ng iyong mga magu­lang at mga kapatid.

Huwag mo nang ganap na ikasiphayo kung hindi ka man nila nadadalaw. Marahil ay mayroon din silang problemang nakakahadlang sa pagbisita sa iyo.

Kung makalaya ka man, matuto mong patawarin ang mga miyembro ng pamilya mo at balikan mo sila para alamin kung ano ang kanilang kalagayan.

Mas mabuti ang magpatawad kaysa may kini­kimkim  na galit at sama ng loob.

May maganda ka pang hinaharap sa kabila ng naging karanasan mong ito sa buhay.

Dr. Love

AKO

ARNEL SARMENTO

CAMP SAMPAGUITA

DEAR ARNEL

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with