^

Dr. Love

Nympho ba ako?

-
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lamang akong Lucille, 30-anyos. Limang taon na akong kasal sa aking asawa na isang negosyante.

Mahal na mahal ko ang aking asawa. Ngunit may napupuna ako sa aking sarili. Hindi ako makuntento sa aming pagtatalik. Hindi ko naman masabing mabilis siyang makaraos dahil madalas, halos isang oras ang inaabot ng aming pagniniig.

Nakakaraos naman ako pero sa kabila nito’y parang hindi matapus-tapos ang aking pagnanasa. Sa puntong gusto ko pa ay mukhang suko na ang aking asawa. Naaawa tuloy ako sa kanya dahil nakikita kong pinipilit niya ang kanyang sarili kahit hindi niya magawa. Kahit gusto ko pa, ako na ang magsasabing tama na. Ang gagawin ko’y pupunta ako sa banyo at maliligo at magpaparaos mag-isa.

Nakakaramdam din ako ng kakaibang init kapag nakakakita ako ng guwapo lalo na sa mga magasin ng mga artista.

Ang ikinatatakot ko ay baka dumating ang puntong magtaksil ako sa aking asawa. Sa palagay mo ba Dr. Love, ako ay isang nymphomaniac?

Tulungan mo ako Dr. Love.
Lucille




Dear Lucille,


Sabihin mo ang iyong kakatwang nararamdaman sa iyong asawa para dalawa kayong lumutas ng problema. Sa tingin ko rin ay hindi normal ang iyong iginagawi sa sex.

Makabubuti kung sumangguni ka sa sex therapist o clinical psychologist na eksperto sa ganyang uri ng problema. Tiyak kong makatutulong sa iyo ang professional help.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

AKO

DEAR LUCILLE

DR. LOVE

KAHIT

LIMANG

MAKABUBUTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with