^

Dr. Love

Kulektor ng boyfriend

-
Dear Dr. Love,

Hi and a very pleasant day. My name is Marie, 20 years-old and I got the reputation of being a playgirl.

Eighteen years-old ako nang magsimula akong mangulekta ng boyfriends. My purpose is just to have fun. Hanggang boyfriend lang naman at wala naman silang nababawas sa pagkababae ko.

Wala lang, natutuwa lang ako na maraming boys ang nagkakandarapa sa akin.

Pero nagsisisi ako ngayon dahil natagpuan ko na ang lalaking tunay kong mahal.

Sinagot ko si Manny at agad kong isinuko sa kanya ang aking pagkababae.

Pero matapos niyang makuha ito, bigla na lang siyang naglahong parang bula. Tinawagan ko siya sa kanyang cell at ang sabi sa akin ay binibigyan daw niya ako ng leksyon dahil sa pagiging playgirl ko. Sana raw ay magpakatino na ako kapag nakakita ako ng ibang boyfriend. Paano ko siya mapipilit bumalik sa akin?

Marie


Dear Marie,


Mahirap hulaan kung babalikan ka pa niya o hindi na. As of now, puwede kang umasa pero kung hindi darating ang panahong babalik siya sa iyo, just charge it to experience.

Sana nga’y naging aral sa iyo ang karanasan mo sa lalaking iyan at nawa’y magbago ka na at huwag nang mangulekta ng boyfriends dahil nakakapangit iyan sa reputasyon ng isang babaeng tulad mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR MARIE

DR. LOVE

HANGGANG

MAHIRAP

PAANO

PERO

SANA

SINAGOT

TINAWAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with