^

Dr. Love

One-way love affair

-
Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo at sa lahat ng mga mambabasa ng PSN lalo na sa kolum na ito.

Tawagin mo na lang akong Randy, binata at isang empleyado sa call center. Nakilala ko si Nympha sa isang birthday party ng kaibigan ko. Na-love at first sight ako.

Niligawan ko siya. Una’y maganda ang pakikitungo niya sa akin. Pero makalipas ang isang buwan kong panliligaw, pinrangka niya ako. Diretsahan niyang sinabi na wala siyang pagtingin sa akin.

Para akong nainsulto sa sinabi niya. Sa kabila nito ay mahal na mahal ko siya.

Paano ko kaya siya mapapaibig? Marami na akong naging girlfriend at sa kanya lang ako nabigo.

Sana’y tulungan mo ako.

Randy


Dear Randy,


Randy, I’m sorry pero anong tulong pa ang magagawa ko? Pinrangka ka ng nililigawan mo at sinabing wala siyang gusto sa iyo.

Harapin mo ang katotohanan at huwag kang mamilit sa taong ayaw sa iyo.

Siguro natatalo ka lang ng iyong pride kaya hindi mo matanggap ang pagka-basted mo. Pasalamat ka pa nga dahil prangka ang niligawan mong babae. Hindi ka niya pinaikot at pinaasang may maaasahan ka sa kanya.

Kalimutan mo na lang siya. Iyan ang pinakamabuti mong gawin. Maraming babae riyan at hanapin mo yung magugustuhan ka rin. Hindi mainam na ikaw lang ang umiibig sa taong wala namang pag-ibig sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR RANDY

DIRETSAHAN

DR. LOVE

HARAPIN

ISANG

IYAN

KALIMUTAN

MARAMI

MARAMING

NAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with