^

Dr. Love

First class prostitute

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cora. Palibhasa’y laki ako sa hirap at may ambisyon, napilitan akong kumapit sa patalim. To be direct to the point, ibinenta ko ang aking sarili. I became a prostitute.

Maganda ako at puwedeng artista. Ito ang ginawa kong kalakal para kumita ng salapi at maitaguyod ang aking pag-aaral. Kumuha ako ng kursong Nursing at sa awa ng Diyos ay mag-iisang taon na akong graduate at nakatakdang kumuha ng board exams.

Hindi mo naitatanong, dahil sa aking kagandahan ay mga bigating tao ang mga naging customer ko. May mga negosyante, top executives ng mga kompanya at kahit matataas na opisyal ng pamahalaan at mga mayayamang dayuhan. Matatawag akong first class prostitute.

Nakaipon ako ng malaki. Sapat para makapagtapos at makapagpundar ng negosyo. Ngayo’y mayroon akong tindahan ng mga spare parts ng tricycle na ang nangangasiwa ay ang aking ama. Bukod diyan ay malaki-laki rin ang halagang ininvest ko sa money market at ang perang tinutubo ay sapat na para hindi na ako maghanapbuhay.

Limang taon din akong nangalakal ng aking sarili. Naging lihim ang trabaho kong ito at walang nakaalam dahil ibang-iba ang aking hitsura kapag nagtitinda ako ng panandaliang aliw.

Sa araw, disenteng-disente ang dating ko. Ayaw ko sanang magkaganoon pero wala akong maisip na paraan para makaahon sa hirap. Ngayo’y huminto na ako.

Ang problema ko ay ito. Marami ang aking manliligaw ngunit kahit may nagugustuhan ako sa kanila, parang ayaw ko nang mag-asawa o makipagrelasyon. Baka lumabas na dinadaya ko ang lalaking iibigin ko dahil sa aking nakaraan. Ano ang gagawin ko?

Cora


Dear Cora,


Hindi ko kinukunsiti ang iyong ginawa. Naniniwala akong may ibang paraan para umasenso pero naririyan na iyan at hindi na mababago ang mga pangyayari.

Tama ka. It will be unfair kung makikipagrelasyon ka o mag-aasawa na hindi mo ipinagtatapat sa lalaking kakasamahin mo ang iyong background. Baka dumating ang araw na sumingaw ang katotohanan, malaking gulo iyan.

Dalawa lang ang choices mo. Remain single o mag-asawa. Ngunit kung mag-aasawa ka, marapat lang na sabihin mo sa prospective husband mo ang iyong nakaraan. Kung mahal ka niya, tatanggapin ka niya sino ka man at ano man ang iyong nakaraan.

Kung hindi, tanggapin mo iyan bilang consequence ng isang choice na ginawa mo noon. Mas mabuti iyan kaysa malaman niya ang totoo sa panahong pinagtali na kayo ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

AKO

AKONG

ANO

AYAW

DEAR CORA

DIYOS

DR. LOVE

NGAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with