^

Dr. Love

Biniling pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

Labinglimang taon ang tanda ko sa napangasawa ko at ito ang dahilan ng aking problema ngayon. Tawagin mo na lang akong Tomas ng Tagaytay City.

Kahit 16-anyos pa lang siya noon, pumayag ang mga magulang ni Nely na maikasal kami. Mahirap lang sila at gusto ng mga magulang niya na makapagtapos siya ng kurso. Dahil may kaya ako, nangako akong papag-aralin ko siya ng kursong Accounting kahit mag-asawa na kami.

Napagtapos ko siya at ang buong akala ko’y mahal na rin niya ako dahil sa aking ginawa. Hindi pala. Sumama siya sa ibang lalaking kasing-edad niya.

Ang masakit, isa lamang kargador sa palengke ang sinamahan niya. Gusto ko silang patayin pero nakapagtimpi ako. Halos mabaliw-baliw ako sa nangyari sa akin dahil mahal ko ang babaeng ito.

Umangkop sa akin ang kasabihang "ako ang nagtanim, nagbayo at nagsaing pero iba ang kumain."

Humingi ng tawad sa akin si Nely at ang kanyang kabit at sinabing hindi na siya maaaring makisama pa sa akin.

Ano ang gagawin ko?

Tomas


Dear Tomas,


Dalawang bagay ang maaari mong gawin. Puwede mong kasuhan ng adultery ang iyong asawa at ang kanyang kalaguyo dahil kasal kayo. Iyan ang legal na aksiyong maaari mong gawin para matamo mo ang hustisya.

Maaari ka ring magparaya na lang at ituring mong isang masaklap na kahapon ang nangyari sa iyo. Ngunit kung hangad mo’y matamo ang pag-ibig ng babaeng pinakasalan mo, malabo itong mangyari.

Harapin mo ang katotohanan na hindi ka niya mahal at napilitan lang siyang pakasal sa iyo upang matupad ang kanyang ambisyong makatapos ng kolehiyo.

Ang pag-ibig ay hindi isang kalakal na puwedeng bilhin. Sana’y naging gintong aral sa iyo ang pangyayaring iyan gayun na rin sa ibang mga mambabasa ng kolum na ito.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DAHIL

DALAWANG

DEAR TOMAS

DR. LOVE

HARAPIN

HUMINGI

NELY

TAGAYTAY CITY

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with