^

Dr. Love

Malamig si misis

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Martin ng Lucena. Ang problema ko ay ang aking misis na sinlamig ng yelo sa pakikipagtalik. Limang taon na kaming kasal at hindi naman siya ganyan dati. Dati nga, noong bagong kasal kami, may mga pagkakataong siya ang nagyayayang kami’y magsiping. Pero habang nagtatagal, napansin ko ang kanyang panlalamig.

Sabagay wala akong mairereklamo sa kanya. Maayos ang bahay at alagang-alaga ang aming dalawang anak. Ang ayaw ko lang, pagdating sa kama, para akong nakikipagtalik sa unan na walang buhay.

Basta kapag nakaraos na ako, tapos na. Hindi naman siya tumatanggi sa tuwing ako ang nangangalabit pero yun nga, wala siyang kabuhay-buhay.

Ayoko naman siyang pagtaksilan bagamat malapit ako sa tukso dahil marami akong kasama sa opisina na magaganda at kumikerengkeng sa akin. Hindi ko sila pinapatulan dahil ayokong masira ang relasyon ko sa aking asawa at sa buong pamilya.

Ano ang dapat kong gawin?

Martin


Dear Martin,


Ituloy mo ang pagiging tapat mo sa iyong asawa. Ang relasyon sa asawa at pamilya ay hindi naman puro sex lang. Mas mahalaga na tapat kayo sa isa’t isa ng misis mo at naaaruga niya nang maayos ang inyong mga anak.

Siguro, pagod ang misis mo sa maghapong paggawa sa bahay kaya pagdating ng gabi, wala na siyang gana sa sex. Dapat siguro magbakasyon kayo kahit ilang araw lang sa probinsya. Yun bang parang nagha-honeymoon.

Siguro kung pareho kayong mare-relax, manunumbalik ang dating tamis ng inyong suyuan.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

AYOKO

DAPAT

DATI

DEAR MARTIN

DR. LOVE

ITULOY

LIMANG

LUCENA

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with