^

Dr. Love

Bagong buhay, dating gawi

-
Dear Dr. Love,

Una po, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyo at sa lahat ng inyong mga tagasubaybay. Ako po si Dodong, isang tricycle driver dito sa Tondo.

Mayroon akong nililigawan. Maganda siya at isa siyang waitress sa maliit na canteen dito sa aming lugar. Kaya lang, ayaw niya sa akin. Tahasan niyang sinabi na ayaw niya ang ugali ko kahit ako ay may itsura.

Kasi po, kilala ako sa pagkabasagulero dito sa amin. Hindi ninyo naitatanong, magaling ako sa boksing at walang umubrang tambay sa aming lugar. Kapag pista, lagi akong nananalo sa boxing. Katunayan, may isang boxing promoter na gustong kumuha sa akin. Kaso pinag-iisipan ko pang mabuti.

Talagang basagulero ako. Ako lagi ang nag-uumpisa ng gulo dito sa amin. Sabi ng nililigawan kong si Mila, hindi niya ako puwedeng mahalin kahit kailan.

Gusto ko sanang magbago pero parang ang gulo ang lumalapit sa akin lagi. Ano ang gagawin ko?

Dodong


Dear Dodong,


Puwede kang magbagong-buhay sa dating gawi. Tanggapin mo ang alok ng boxing promoter. Malay mo, sumikat kang tulad ni Manny Pacquiao kung didibdibin mo at paghuhusayan.

Kung talagang bisyo mo na ang makipagbugbugan nang katawan, eh di gawin mo nang propesyon. Legal na, kikita ka pa nang malaki pang nag-champion ka.

Kapag nagkataon, baka hindi lang si Mila ang mabingwit mo kundi higit pa sa kanya. Kasi, kung talagang walang gusto sa iyo si Mila, hindi mo dapat ipilit ang iyong sarili. Magpakamaginoo ka.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR DODONG

DODONG

DR. LOVE

KAPAG

KASI

MALIGAYANG PASKO

MANIGONG BAGONG TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with